Image hosted by Photobucket.com Friday, August 26, 2005

ako ang dagat at ang dagat ay ako.

dapithapon sa kanyang mukha ngayon. habang ang mga mata ko ay nasasaniban ng kapusyawan ng kahel na langit ay ramdam ko ang paghampas niya sa aking mga paa. kumikiliti. yumayapos. muli, ay aking nasasaksihan kung paano siya humalik sa mga nagkikislapang bato. marahan, maingat, malambing. batid kong ang hubad niyang katawan ay nagbibigay sa akin ng kakaibang ligaya. matiwasay ang kanyang pag-indayog. bumabalikwas ang kanyang mga biyas sa himig ng hangin. nagpapatianod ang kanyang buhok sa papalapit na dilim. walang alinlangan sa kanyang mga mata. ang bukas ay punung-puno ng pag-asang laan lamang para sa kanya. ang kalangitan ay pawang abot- tanaw at ang kalawakan ay isang paraiso sa kanyang mga palad. sa kanya ay walang gabing hindi natatapos. walang dilim na hindi nagliliwanag. wala siyang pag-iimbot na kumakawala sa tanikalang hawak ng rasyonalidad. hindi makasarili. hindi duwag at hindi mapanghusga. higit sa lahat... maalat siyang tulad ng mga luha kong walang humpay sa pagpatak.




6 Comments:

Blogger The Guy in Red Sneakers said...

i love your poetry to death.

8/26/2005 04:07:00 AM  
Blogger HanAgiRL said...

i have a confession. i didn't understand the poem so much coz i have a problem with deep tagalog words. :? sowee. but i did try:)

8/26/2005 12:00:00 PM  
Blogger freyti said...

haha...alam mo,nung una akla ko bastos..prang bastos ang dating eh..haha..asus,yon pla..LUHA!hhe..

8/26/2005 09:00:00 PM  
Blogger Dorothy said...

hey, very melancholic post you got here. still, it's one beautiful poem. nice one, gurl. :)

8/26/2005 09:09:00 PM  
Anonymous Anonymous said...

hi, guys.thanks for the compliments though dear hanagirl didn't fully understand it.that's fine.all i want is to let those words flow... just like the ocean.

8/27/2005 12:38:00 AM  
Anonymous Anonymous said...

nice.

i like the way you use tagalog.

8/27/2005 02:17:00 AM  

Post a Comment

<< Home

Free JavaScript from
Rainbow Arch