ang manananggal.
pilit na pinaglalayo ng kapitalismo ang pagkatao mo.
tinatalupan ang laman
dinidikdik ang buto
pinuputol ang ugat.
kidlat ito na kumukuryente sa walang malay na kawayan.
pinipilas nito ang mga hibla na siyang
nagdurugtong sa bawat bahagi
ng kamalayan mo.
ang bituka ay pinipiga.
ang kaluluwa ay sinusunog.
ang puso ay nilalamon.
puro laman at buhok ka na lang ngayon.
wala ng puso.wala ng utak.
ni wala ng bitukang kailangang arugain.
ang nangingitim na dugo ay pampawi ng uhaw.
ang matalim ay nakapagpapaginhawa.
lumalalim nanaman ang gabi.
lumulutang na ang baywang.
papalayo sa init.
papalayo sa liwanag.
habang ang mga paa ay nilulunon ng tigang na lupa.
5 Comments:
Astig!
Okay na pampaisip itong nasulat mo
hoy... wala lng napadaan lng... actually inutusan lng me n ausin ung programme for our acquaintnce prty 2moro.. hehe.. magcucuting n lng me m2ya sa clas q for world lit.. i really don't have something great to say.. i juz remember to drop by.. the famous line but real..I'M MISSIN' U.
uy sino kaya tong anonymous na ito? si carshz ba itech?
A job well done! inspiring blog
Here's what a lot of people are searching for; cartoon animals
Lots of information about cartoon animals
nice poem! :D
Post a Comment
<< Home