Image hosted by Photobucket.com Wednesday, August 31, 2005

babae

lumuluwag ang kapit sa magkabilang dulo ng lubid. unti-unting napapatid ang bigkis ng ulirat. marahang napupunit ang kinang ng pag-asa. nahahapo ang minsang nakakapasong apoy. natutunaw ang tayog ng mga ngiti. matatalim ang kuko ngunit manipis ang balat mahapdi ang kurot at hagupit ng kamot nayayanig ka nagigiba ka ngunit hindi ka pa manhid o sabihin mong kapit. pilitin mong kumapit kapit lang. kapit pa.




0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Free JavaScript from
Rainbow Arch