babala: nakakangilo
masarap palang isiping maraming iced tea sa ref nyo.
maraming iced tea tapos maraming yelo.malalaki.maliliit.yung iba korteng square habang yung iba naman circle.iinumin ko yung iced tea.matamis pero medyo maasim.maaisip ko na masarap.iinom ako ulit.iinom ako ng iinom hanggang sa maubos ko ang laman ng baso ko.kakainin ko yung mga yelo.kakainin ko.kakagatin ko.kakainin ko kase masarap.masarap kase malamig.masarap kase nakakangilo.masarap kase masakit sa ngipin.masarap kase nakakalimutan kong buhay pa ko at mainit pa pala ang aking katawan.masarap kase pinamamanhid niya ko.kakainin ko lahat ng yelong kaya kong kainin.magpapakatakaw ako sa yelo.magpapakabusog.maya-maya sasakit ang ulo ko dahil nasobrahan na ako.magrereklamo ako pero hindi pa rin ako titigil sa pagkain ng yelo.masarap kase.masarap kase nasasaktan niya ko.bukod sa pinasasakit niya ang ngipin ko, pinasasakit din niya ang lalamunan ko, pati ulo ko.mauubos ko na ang yelo.wala ng yelo.wala ng yelo pero marami pang iced tea.iinumin ko ang iced tea pero...hindi na masarap.hindi na masarap kapag walang yelo.hindi na masarap kapag hindi na malamig.hindi na masarap kapag hindi nangingilo ang ngipin ko.kapag hindi sumasakit ang ulo ko.magsasawa na ako.ibabalik ko sa ref ang natirang iced tea.ayoko na.aakyat ako sa kwarto ko.hihiga sa kama kong uhaw sa init ng aking katawan.magpapanggap akong natutulog para hindi ako bulabugin ng mga utol ko.mag-iisip ako.makakatulog.mananaginip.at sa panaginip ko...hindi pala iced tea ang gusto ko kundi yelo.yelo lang, kahit wala pa siyang lasa.yelo pa rin kahit hindi naman talaga siya masarap.kahit nasasaktan naman niya ko.tutulo ang aking luha.mainit.maalat.mababagabag ako.magigising ako at sa paggising ko maiisip ko na...masarap pa rin ang yelo kahit walang iced tea pero ang iced tea hindi na masarap kapag wala ng yelo.malulungkot ako.gusto ko pa kase ng yelo.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home