Image hosted by Photobucket.com Wednesday, August 10, 2005

banyo breathing

ang CR ay may bibig.nangangaral.bumubulong ng mga bagay na tanging maririning mo lamang sa kalagitnaan ng misteryo ng katahimikan niya. ang CR ay may tenga.nakikinig.nakikisimpatiya sa mga kwento ng buhay mo.napapaindayog sa malamig mong tinig.nabubusog sa musika ng bawat mong halakhak.ang CR ay may puso.nagdadamdam.naliligayahan.nasasaktan.

piping saksi siya sa pagsabog ng kalangitan sa iyong kabuuan.nagsisilbi siyang isang malaking salamin na nagpapakita ng iyong natatanging mahika. ang mga mata niya ay hindi marunong tumingin - ang alam lang nito ay kumilatis.umunawa.

pinagmamasdan niya ang bawat galaw mo.ang bawat paghawi mo sa iyong buhok. ang bawat paglagay mo ng kolorete sa iyong mukha.ang bawat pagwisik mo ng pabango sa iyong damit.pati ang mga luha mong nangingilid na o ang mga ngiti mong hanggang tenga ay hindi nakaliligtas sa kakayahan ng kanyang mga mata.tama, hindi mo nga maikakaila kung ano ka at kung sino ka kapag nasa CR ka na.

ang puso niya ay may walang hanggang kapasidad upang haplusin ang iyong pilit na itinatadong kalooban.sinasalo niya ang bawat patak ng mapapait mong luha.niyayapos niya ang bawat agos ng maruming tubig na iyong pinaghuhugasan ng lahat ng iyong sama ng loob.dumidipa siya ng walang pag-iimbot upang madampian man lamang kahit saglit ng iyong maharlikang mga paa ang ang kanyang mukha.nagpapakatibay siya sa lahat ng oras upang makasiguro na ikaw ay may masasandalan sa tuwing ang lakas mo ay unti-unti ng napapawi ng bagyo.

wala siyang hinanakit. wala siyang pagsusumbat man lang.

wala siyang anumang hinahangad.ang tanging makakapagpaligaya lamang sa kanya ay ang paminsan-minsan ay dumaan ka.sumilip.ngumiti sa malabo na at medyo basag ng salamin.umiikot-ikot sa harap nito habang umaawit o kaya naman ay habang humahalakhak.o habang napapangiti sa mga alaalang sumagi sa iyong okupado ng utak.

marami siyang alam ngunit mas pinipili niya ang manahimik.marami siyang kayang gawin ngunit hindi na niya ito magawa dahil mas kawili-wili para sa kanya ang panoorin ka.

maaari ka niyang itaboy.maari ka niyang lamunin. ngunit hindi. ang mga sikreto mo ay pilit niyang itinatago.

gaano man ito karumi, kasaklap o kasama. gaano man ito kasaya, kasimple o kakomplikado.

hindi tulad ng mundong may kakayahan ngang umunawa at makinig... ang apat na sulok ng CR ay hindi mapanghusga kainlanman.





0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Free JavaScript from
Rainbow Arch