Image hosted by Photobucket.com Saturday, August 20, 2005

para lang wag akong mabulunan.

walang bago. kanina, mapayapa akong pumasok sa eskwela. may pa-cool effect pa ko at feeling ko i was really bubbly this morning. naka-earphone yata ako at pinakikinggan ko ang mga oldie songs sa 94.7 sa 2nd hand kong cellphone kahit na may tugtog naman talaga sa bus. nilakasan ko pa nga eh para hindi ko marining yung tugtog nila.hehe. mabuti na nga lang at na-keri ko pang marinig yung mamang konduktor, kundi binoljak niya ko. *oops sorry for the term*. pa sway-sway pa kamo yung ulo ko.haha.feeling ko nga na-windang yung katabi ko.eh napalakas yata yung kanta ko. natatawa ako kase kahit na hindi ako nakapag-aral para sa subject ko kanina eh nakagawa pa rin ako ng asayment. asayment kase namen na gumawa ng iskrip para sa isang programang pang komentaryo at pam-panayam. di ako nakapag-aral kase wala yung ID ko saken buong linggo kaya hindi ako nakapasok ng library. boplaks talaga. nakakatawa pa kase yung taong nanghiram ng ID ko *actually mahabang istorya siya* eh nakasabay ko sa jeep kanina. ayun nakuha ko na ang namimiss ko nang ID. ang sama ko pero masaya ako kase feeling ko naisahan ko yung prof ko kase nakapag-pass ako ng asayment kahit na hindi ako nakapag-aral. boplaks talaga kase alam ko rin namang sarili ko lang ang niloloko ko. anyway, masaya pa rin ako. *oo patawad sa milyon-milyong naghihirap na pilipino na nagpapa-aral saken. sige nakokonsensya naman ako eh.* hayun medyo tae nanaman ako sa discussion kanina *anong medyo? tae ka talaga!*. syempre hindi nga ko nag-aral diba? nangapa lang ng konte pero nakasagot pa rin naman kahit papano.nasiyahan lang akong daldalin yung katabi ko.pareho kasi kaming naka- orange at para kaming sasayaw.pinanood din namen yung photo exhibit *pinapanood ba yun?* ng delta sigma soro. may project kasi sila na tumulong sa mga mahihirap. pathetic kase katabi ng mga retrato ng mga mahihirap *na black and white pa talaga para madama mo yung depressing effect* eh yung mga retrato ng members na mala-FHM ang posing.mala dra. calayan ang kutis at parang pang close up ang ngiti. tsktsktsk. parang di nila kakayaning pumunta sa payatas or kahit somewhere better than that. tapos umuwi na rin ako pagkatapos kong mawindang sa klase na yun habang iniisip ko na ang pores pala ay bumubuka kapag hot water ang ginamit mo na pampaligo. nawindang din ako kase pangatlong ulit ng binago ng prof namen yung final project namen. umaasa ako na baka palitan niya ulit.hay. hayun inantok nanaman ako sa bus at feeling ko kumalat-kalat nanaman yung ulo ko sa sobrang antok ko.buti na lang hindi fahfah ung katabi ko kundi papa.hehe. may mga bisita kame ngayon. mga chikiting patrol. dedma ko muna sila mamaya na ko makikipag-jamming kasi yung kapatid kong 2 years old inagawan ako ng keyboard kanina. nagtatatype siya ng kung anu-ano. ay teka, may bago pala. masaya pala ako ngayon at hindi ko pinadudugo ng kadramahan ang blog page na ito. *pero don't worry sooner or later paduduguin ko ulit to.bwahahahahaa!!!* well... ikaw, kamusta naman?




2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

ok naman ako.. hehehe! :) ang hahaba ng posts natin ah. :) sana happy always!! like the color orange! bwahaha!!! :)

8/20/2005 05:57:00 AM  
Blogger yayam said...

ok naman..kakakuha ko lang ng report card ko..la namang bagsak! heheheh!

ingatz! :D

8/20/2005 08:30:00 PM  

Post a Comment

<< Home

Free JavaScript from
Rainbow Arch