Image hosted by Photobucket.com Thursday, August 18, 2005

tanikalang anino

mukha mong nakayuko. imaheng malinaw pa ring nakapinta sa aking alaala. sinisilip kita roon paminsan-minsan. nagtatangkang may maumit na kaunting ngiti mula sa mga labing minsan ay nagsambit ng mga katagang siyang ngayon ay nagsisilbing kadena ko. katawang nakatagilid. kahapong pilit na umiiwas na ngunit hindi naman maihakbang ang paa. makailang-ulit din kitang tinangkang kulungin sa mga bisig ko. makailang-ulit ko ring ninais na hatakin kang pabalik. paharap muli sa daang tinatahak ko ngayon. anino. ang anino mo. anino ng kahapon. anino ng sarap. anino ng ngiti. anino ng pait. anino ng luha. anino. ang anino ko. anino ng bukas. anino ng wakas. anino ng magpakailnaman. anino na lang ang mayroon ako dahil... anino na lang ang naiwan.




0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Free JavaScript from
Rainbow Arch