tiningi-tinging pagtingin
ang pagtitig ay may multa.
ang pagnguya ay may katumbas na halaga.
ang paglalakad ay may sentimo.
ang paghalakhak ay may piso.
ang pag-alaala ay may libo.
ang pagkalibog ay mahal.
ang pag-ibig ay may kapalit.
ang paghinga ay pwede namang tawaran.
ako na lang ang libre
naiwan sa kalawanging estante.
ikaw
na
lang
ang bibili
ang wallet ay dumudura ng milyones
habang ako ay nilalangaw ng pitumpu't - pitong
rumaragasang hanging lumalampas sa aking harapan.
pumapagaspas na pakpak.
umaalong yabag.
at ni isang kisapmata'y hindi man lang maipambayad
sa isang dekada ko ng paghihintay.
*oops..this is not all about me ok?..hehe*
1 Comments:
nahirapan ako i-pronounce ang title ng poem mo ha. tongue-twister. :)
Post a Comment
<< Home