Image hosted by Photobucket.com Wednesday, August 10, 2005

usapang langit

sabi ng isa kong kaibigan kapag nalulungkot daw ako at may namimiss akong tao, tumingin na lang daw ako sa langit.habang tintignan ko raw ang mga bituin ay isipin ko na lang na hindi naman ako dapat malungkot dahil kapag pareho kaming tumingin sa langit ay iisa pa rin namang langit ang makikita namin.kahit papaano...magkasama pa rin kami.magkalapit pa rin.

malinaw pa sa akin hanggang ngayon ang boses niya habang binabanggit niya ang mga salitang iyon.tila naaaninag ko pa sa alaala ko kung paanong nadampian ng liwanag ng mga bituin ang mukha niya.alam ko malungkot din siya pero sa kabila noon ay nagawa pa rin niyang pagaangin ang loob ko.

at ngayon ganoon pa rin naman ang langit kung gabi.wala namang nagbago.nandyan pa rin ang buwan...ang mga bituin.paminsan-minsan ay nakikita ko pa rin naman ang sarili ko na nakatingala.nag-iisip.naririnig ko pa rin naman sa guni-guni ko ang boses niyang nagpapaalala.

yun nga lang, nandito ako at nandun siya. malayo na kami sa isa't - isa.





0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Free JavaScript from
Rainbow Arch