G A M I T A N.
hinahablot ang puso at nilalagot ang hininga
para lang mapunasan ang mainit na luha.
ginagatasan ang kawalang-malay at
inaararo ang kabusilakan
para lang matamnan ng ilang binhi ang paligid
ng pag-iisa.
pinapatigas ng pira-pirasong adobe
ang mga bituwin sa mata ng
hambambuhay na pagsumpa
para lamang maambunan ng panandaliang apoy.
kinakalas nang buong-buo ang kabuuan
para lang iwanang nakakalat sa daan.
hinuhubaran ang damdaming marupok
para lang
bihisan ang sariling kahubaran.
kakulangan.
pilit isinusubo sa bunganga ang lahat- lahat
para lamang isuka.
saluhin at lunukin ang lahat ng itinatakwil ng sikmura.
buhayin ang bituka sa mga lamang-loob at
magpakasasa sa langis ng mga laman niya.
oh, tikman mo siya.
lasapin mo siya.
ubusin mo siya
ikaw na naghihingalong leon.
2 Comments:
ahmm..medyo ibang iba ang mga entries mo lately ah..hehe
hindi lang lately...lagi naman
eh.hehehe.
Post a Comment
<< Home