Image hosted by Photobucket.com Tuesday, September 06, 2005

ga-tuldok na kalayaan

tumatakbo. nanonood. nakayapak. hinahangin ng haring panahon ang buhok. umiindayog. napakaganda. dumidipa. sumasalubong. sumasama sa alon. lumalangoy. nagpapatianod. ngunit hindi nalulunod. nabibilad. nadadampian. nauulanan. manipis ang balat ng walang bahid ng pagkukunwaring mga kasuotan. mga kurbada. mga linya. mga kulay at anino. nakaukit lahat sa kabuuang hindi makasarili. nakadikit. nakasabit. nakaayos. ngiti lamang ng kabusilakan ang palamuti sa payak na imahe. maamo. mapayapa. mapang-akit. at tunay ngang ang salamin sa langit na ipinintang kulay kahel ay hindi sinungaling. pasingit.paalala.walang koneksyon. ang bulak ay pwede ring tumigas at ang asukal ay pwede ring pumait. ang sariwa ay pwedeng mabulok at ang bago ay pwedeng maluma. pero intay-intay ka lang... ang panahon naman ay hindi maramot.




2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

lungkot pa rin ang mga posts mo! lam mo, hilig rin akong gumawa ng poems, lalu na about freedom and reality, and pain and sorrow... hehe... dami eh! pero di ko pinoposts kasi nahihiya ako eh! hehe... :) pero i like this, malalim, ska it can give different meaning to different people... :)

9/08/2005 02:11:00 AM  
Blogger Sinukuan said...

waaahhh... talagang may tendency na magind melodramatic ang mga pinagsususulat ko kahit na masaya naman talaga ako. ganun talaga eh...masya yung malungkot at masakit.hehe.baket ka naman mahihiya? i-post mo na ren! wala namang pakealamanan yan eh! okies lang yun!

9/08/2005 06:32:00 AM  

Post a Comment

<< Home

Free JavaScript from
Rainbow Arch