Image hosted by Photobucket.com Sunday, September 11, 2005

lahat ng bagay ay tila kapos.

puyat. mugto ang mata.inabuso ang sarili kagabi. pinilit tukuran ng palito ng posporo ang mga kawawang talukap. tumunog ang selpown. gising na. pindot. kusot ng mata. nandyan na pala si mama. musta naman kaya ang gimik kagabi. tulog ulet. ay mainit. tirik na ang araw. tingin sa selpown. alas otso na. bangon. hilamos. akyat sa taas. basa muna ng librong required. nagpakahenyo. may natutunan naman. ayos. toktoktok.kainan na. tanghalian na pala. dogdogdog. baba sa hadan. silip sa kwarto. mama, alis tayo diba? ha? eh walang magbabantay sa kapatid mo. ha? eh di ba sabi mo... talikod. layas. tampo. kain.dabog.walang imik. o sige tetext ko si lola mo. wag na ayoko ng umalis. sabay tayo sa mesa. punta na lang akong festival.papasama na lang ako sa kaklase ko. tutbrush.kuha ng damit.ligo. bihis. isip isip kung aalis pa nga ba. wala akong pera. kwarenta pesos lang at sampung pisong tigpipiso. tututututut - tututut. deng ano punta ka pa ba? hintay kita. si cha. naiinip na. okey sige intay mo lang ako. suklay.kanta.isip isip pa rin kung pupunta pa. wala akong pera pero ayokong humingi ng pera. tututututut - tututut. ano pupunta ka pa ba? kanina pa ko dito. oo sige. kuha ang pink na bag. lagay ang isang pares ng lumalawit na hikaw. suklay ng daliri ang kulot na buhok. ma, alis na ko. may pera ka ba? oo meron. sabay talikod. balabag ng pinto. sakay sa traysikel. ang gwapo naman ng katabi ko pero paksyet binobosohan pa yata ako. haller hindi ako seksi ok. maganda lang.haha. oi si cha ayun.badtrip. cha sorry.tara na. abang ng jeep.sakay sa jeep. kwento.daldal.kala mong walang problema. dating sa festival. nakipagkita kay dadang. yakap.kamustahan.tawanan. lakad sa mall. sakit sa paa. window shopping to death. hanap si lew. may gig daw sila. asan? asan? gutom.kain sa MCDO.lamon ng ketsup.kwentuhan ulet. lakad.lakad pa. nakita na si lew.batian.kamustahan.tawanan. punta sa cr.lakad lakad ulet.window shopping ulet. kodakan gamit ang SLR ko. tawanan. lakad pauwi.nakasalubong si nyoy volante. nginitian kame. so what? paalam kay lew. bili ng pink na cotton candy. upo.kain.kwentuhan.senti.tawanan. tingin sa relo. gabi na. uwi na. beso beso.ingat ka. ingat din kayo. i miss you. lakad pahiwalay. sakay kami ni cha sa jeep. pauwi. kwentuhan ulet. masaya. baba na ko. lakad. umaambon. sakay sa traysikel. baba sa bahay. mano sa ermats at erpats. akyat sa kwarto. bihis.baba. kain ng tilapya at kanin. tutbrush.hilamos. upo sa harap ng kahong hindi nagsasalita. at heto gabi nanaman. inaabuso nanaman ang sarili.




6 Comments:

Anonymous Anonymous said...

go away!

9/11/2005 08:24:00 AM  
Blogger Dorothy said...

kaaliw basahin itong post mo. :)

hay, to be young and enjoying one's youth!

9/11/2005 06:02:00 PM  
Blogger JS said...

sa tingin ko talaga, magiging mahusay ka na makata! Keep it up, just keep on writing and practicing!
Uy, kung balik ka sa YESTERYEARS, pwede favor, patanong naman kung may CD sila ni Sammy Assuncion.... astig kasi yun e, tagal ko na hinahanap.
Thanks! Ingatz ka din!

9/12/2005 12:58:00 AM  
Blogger Unknown said...

ganyan talaga ang buhay paikot ikot lang. at least base sa salaysay mo ang dami mong nagagawa. ako gising alas 4am alis 5am sa bahay dating trabaho 7am uwi galing trabaho 9pm dating sa bahay 11pm tulog 2am tapos gising ulit ng 4am... mas abuso, haha

9/12/2005 07:02:00 AM  
Blogger Mitch said...

di ka ba nahihilo sa bilis ng ikot ng mundo?
di ka ba nasasaktan kapag binabato ka ng mga problemang halos sabay sabay ipinupukol sayo?
eh...
di kaba nabibitin kapag ...

9/12/2005 08:37:00 PM  
Blogger Aldous said...

nice style of relating your usual world!! i liked it. sobrang bilis talaga ng mga pangyayari... di mo pa naeenjoy ang isang bagay o pagkakataon.. napapalitan na kaagad.

9/16/2005 04:45:00 AM  

Post a Comment

<< Home

Free JavaScript from
Rainbow Arch