o alipin.
parang yelo sa iced tea.
parang cologne sa kwelyo.
parang komersyal sa radyo.
parang usok ng sigarilyo.
parang kape sa magdamag.
parang daliri sa keyboards.
parang gutom sa sikmura.
parang mura sa tutuli.
parang plema sa lalamunan.
parang ngiti sa salamin.
parang kalmot sa braso.
parang bituwin sa mata.
parang trapik sa edsa.
parang baha sa kanto.
parang sermon sa umaga.
parang valium kung nag-iisa.
parang katahimikan sa madaling araw.
parang bulong sa kulungan.
parang ikaw. parang ako.
parang tayo.
kung hindi ka magsasawa, maaadik ka.
mga pinagpala lang ang nakapamamagitan.
alin ka sa kanila?
6 Comments:
ang ganda naman nito :) pwedeng mahiram?
sure.just give me the credits that i deserve.hehehe.pero no prob.sige.
ako na lang yung cologne sa kwelyo. ehehe
hi stellar! ang kyut! :D
they come in pairs..=) pag wala ang isa.. may kulang...
and we have to live with it...
=)
ay punta ka pala ulet sa blog ko. =)
Post a Comment
<< Home