Image hosted by Photobucket.com Tuesday, September 13, 2005

pagtakbo ang aking paghinga.

Pag-iwan.

Hindi ako mabilis tumakbo. Bukod sa mabilis akong hingalin ay madali ring bumaha ang pawis ko. Pero sa kabila ng lahat, gusting-gusto ko pa ring tumakbo. Palagi pa rin akong tumatakbo. Patuloy lang sa pagtakbo.

Siguro, isa sa mga dahilan ng pagtakbo ko ay ang takot kong maiwanan.

Dati rati kasi ay sapat na sa akin ang maglakad lamang. Sapat na sa akin ang maglakad habang nagmamasid. Maglakad kasabay ng ilang mga kaluluwang umookupa sa daan.

Masaya ako noon tuwing naglalakad ako sa maluwang na kalsadang dati ay pinasisikip ng mga nagkikiskisan siko, likod, balikat. Masaya ako kahit masikip. Kahit mainit. Kahit hindi na halos ako makagalaw. Masaya ako dahil kahit papaano ay nadarama ko ang init ng katawan ng mga taong mahal ko. Masaya din akong isipin na siguro naman kahit papaano ay nadarama rin nila ang init ng aking katawan at marahil din ay mahal nila ako.

Pero simbilis ng mga yapak nila ang pagtalikod ng panahon sa akin. Tulad ng mga paa nila at anino, nilampasan na rin ako ng oras.

Tila masyado nang bumilis ang mga hakbang nila at hindi na ako makasabay. Kahit anumang pilit kong sila ay tawagin at abutin ay hindi ko na magawa. Tila wala na akong kakayahan at tila huli na nga ang lahat.

Napag-iwanan na ako.

Kaya simula noon ay binago ko na rin ang aking sarili. Kung dati ay naglalakad lamang ako ng mapayapa na animo’y walang pangambang may darating na kung anong hindi inaasahan, ngayon ay kaiba na. Kung dati ay ako ang nilalampasan at iniiwanan ng mga taong ayaw ko sanang pakawalan, Ngayon ako naman ang tumatakbong papalayo. Ako naman ang tumatakbo ng mabilis. Mabilis na mabilis. Ako naman ang nang-iiwan dahil ayoko ng mapag-iwanan.

(tulad ngayon, may isang tao nanamang sobrang mahal ko ang aalis sa huwebes. Kahit na alam kong matagal na niyang gustong umalis, hindi ko pa rin maikaila ang pagdaramdam ko.)

Pagtakas.

Isa ring dahilan ng aking pagtakbo ay ang pagtakas ko. Sa hindi ko matiyak na kadahilanan ay palagi ko na lamang napapanood ang sarili kong unti-unti bumibitaw. Unti-unting tumatakbo.

Marahil ito ay dahil sa ayokong masaktan at ayoko ring makulong.

Takot ako sa emosyon dahil puno ako ng emosyon. Takot ako sa pag-asa dahil palagi kong pinapwaniwala ang sarili ko na may pag-asa pa. Takot ako sa bakod, sa rehas at sa tanikala dahil nasusuka na ako sa sarili kong kabaong. Takot ako sa kamay dahil baka hindi ko na makayanang bumitaw. Takot ako sa pangako dahil baka lubusan akong maniwala at umasa. Takot ako sa bukas dahil baka hindi na ako matulog sa kakahintay dito. Takot ako sa lahat ng bagay na alam kong labis kong magugustuhan. Takot ako dahil takot akong baka hindi ko ito maangkin. Takot din akong baka hindi ko na ito magawang palayain.

Kaya bago pa man din dumating ang pagkakataong ako ay maalipin…

Tumatakbo na ako.

(patawad sa’yo kung masyado akong mahina at duwag)

Paghanap.

Gayun pa man, hindi naman siguro panay paglayo lamang ang dahilan ng aking pagtakbo. Ang pagtakbo rin naman ay isang pagpipilit na marating ang katapusan ng karera. Isang pag-aasam sa isang bagay na matagal mo nang hinahabol.

Kung anuman ang hinahabol ko ay hindi ko naman talaga alam. Siguro iyon na ang kaibahan ko sa ibang mga mananakbo. Sila, alam nila at natitiyak nila kung nasaan ang finish line. Alam din nila kung gaano kaikli lang na panahon ang mayroon sila para marating iyon. Eh ako, humahabol lang ako sa isang anino na hindi ko naman talaga kilala. Humahabol lang ako sa aninong hindi ko alam kung saan pupunta – kung saan ako dadalhin. Ngunit ang simpleng pagtakbo ko ang tanging nakakapagpaalala sa akin na balang araw may pupuntahan rin ako, na may finish line ding nakalaan para sa akin. Hindi ko man ito maaninag ngayon, pero alam kong sa pamamagitan ng pagtakbo ko makikita att makikita ko rin iyon.

Kung sa bagay, mas nanaisin ko pang tumakbo ng tumakbo kahit walang tiyak na pupuntahan kaysa naman tumayo na lang sa gilid ng kalsada habang pinapanood ang mga kaluluwang dumarating, tumitigil at umaalis sa aking tabi.





6 Comments:

Blogger HanAgiRL said...

sometimes it's a lot better to just stand still or walk. This way we get to see and appreciate a whole lot of things more.

9/13/2005 05:21:00 AM  
Blogger Dorothy said...

i'm no psychologist nor psychic, but reading thru your post, i feel that you're in search of something, probably in quest of one's identity... just an assumption.

but whatever it is, i'm sure you're one tough girl who will shine thru. ;)

9/13/2005 06:47:00 AM  
Anonymous Anonymous said...

yeah,girls you're right. thanks...

btw, hanagirl sorry i am not able to visit your blog that often.it's because of our pathetic net connection, maybe.

pao, thanks for those words. thanks for always coming back...

weee...

9/13/2005 11:05:00 AM  
Blogger The Guy in Red Sneakers said...

and... if ever you get tired, of all that running.

you know where to find me.

that is, if i'm not running myself.

friends..?

9/14/2005 02:06:00 AM  
Blogger The Guy in Red Sneakers said...

and... if ever you get tired, of all that running.

you know where to find me.

that is, if i'm not running myself.

friends..?

9/14/2005 02:08:00 AM  
Blogger The Guy in Red Sneakers said...

and... if ever you get tired, of all that running.

you know where to find me.

that is, if i'm not running myself.

friends..?

9/14/2005 02:08:00 AM  

Post a Comment

<< Home

Free JavaScript from
Rainbow Arch