Paano ba tinutuldukan ang pangungusap na ayaw mong tapusin
Gayundin ang mga awit na ayaw mong wakasan?
Sa paghinto ba ng kamay ng orasan ay hihinto rin ang lahat
Kasama na ang mga bagay na ayaw mo sanang pakawalan?
Kapag binasag mo ba ang salamin ay maniniwala kang
Kailanma’y hindi mo na masisilayan ang katotohanan?
O ang pagsuka ba sa lahat ng laman ng iyong sikmura
Ang tatapos sa kabalisahan na iyong nararamdaman?
Tuwing tumatakbo ka ba ay natitiyak mong ikaw
ay may pupuntahan at may maiiwanan?
O ang pananatili ba sa kasalukuyan ang talagang
Siyang pumupuksa sa ‘yong isipan?
Pinahihina ka ba talaga ng iyong bulag na kagustuhan?
Nilalamon ka ba talaga ng hindi mo paglisan?
O ang bukas ba ang tanging natitira na lang
para iyong makapitan?
stars are leaving for a while and so i'm leaving you with this post.
be good, my pink bloggie.
btw guys, keep looking at the night sky.
i might crash into you one of these lazy nights.
********
meet me in outer space
we could spend the night
watch the earth come up
I've grown tired of that place;
won't you come with me?
We could start again.
8 Comments:
Ah talaga, may sakit ka... pagaling ka.
Ingatz
alis ka? balik ka agad. mami-miss ka namin. ingat always! :)
why-oh-why?
hope it wont be long.
hope it wont be for good..
take care!Ü
always,
russ.
ang ganda...
astig...
balik ka agad ha?
wala po akong masabi. in English. or otherwise.
it's best to keep quiet... about this things, kasi.
anyways. sigh. sigh. sigh.
pppsssttt.. stellar...
payakap nga muna...
hmmmmmmmmmmmmm..
balik ka agad ha..
kita tau ulet.. =)
daenaaaa!!! i hope you'll crash into me soon...
balik ka agad.
gee.. i love this. wann alink up?!
Post a Comment
<< Home