Image hosted by Photobucket.com Friday, September 30, 2005

Sila na.

Sila na nung babaeng (sabi niya bisexual daw pero I doubt it) matagal na niyang nililigawan (na feeling ko isang taon na pero sabi niya hindi naman daw). Sila na nung Monday lang, Sept 26, 2005.

Sila na at hindi raw siya makapaniwala. Pakiramdam niya panaginip lang daw at parang gusto pa rin daw niyang pagsasampalin ang sarili niya. Brutal talaga ang lolo mo.

Sila na at natalo siya sa pustahan nilang magtropa. Nakipagpustahan daw kasi siya na kapag binasted siya nung babae eh mananalo siya ng tatlong daang piso. Pero dahil naging sila nga – hayun natalo siya. Inamin niya saken na medyo nalungkot siya nung sinagot siya nung babae dahil ibig sabihin non wala na nga siyang tatlong daan, mabubutas pang lalo ang bulsa niya. Gago talaga. Sila na at ang totoo blooming siya. Ganung ganun siya nung naging sila nung ex niya – si Karen. Si Karen na pinagpalit lang naman siya sa isang papansin na hindi naman gwapo na Jeff something ang pangalan. Si Karen na may magandang mahabang shiny black na buhok na gustong gusto niya. Si Karen na “baby” ang tawag sa kanya. Si Karen na dahilan ng mga kadramahan niya sa buhay. Si Karen na mahilig magsulat ng love letters. Si Karen na dahilan ng maraming bulung-bulungan sa campus. Si Karen na muntik ko ng sabunutan. Si Karen na sige na nga pinapatawad ko na (mag-inarte daw ba). Sila na at hindi naman talaga ako nagulat kahit na ang sabi ko eh “Ha? Talaga? Kelan pa?”. Sila na at noon pa man (simula nung kinuwento niya saken yung tungkol dun) eh alam ko nang hindi magtatagal at magiging sila rin. Haranahin ba naman niya sa gitna ng maraming usisero’t usisera, bigyan ba naman niya ng toblerone halos araw-araw, padalhan ba naman niya ng rose tuwing gusto niya, paglaanan ba naman niya ng sariling folder sa cellphone niya yung mga mushy message nito kahit na ang nakalagay lang eh “hi hello” eh. Hindi ko naman sinasabing napakadaling makuha ng mga babae, (obvious naman noh dahil hindi naman madali yung mga ka-keso-hang pinaggagawa niya diba) kaya lang syempre yung pagiging “masigasig” niya eh talagang pogi points na para mapasagot niya yun. Sila na nga at masaya naman ako. Oo, masaya talaga ako para sa kanya. Maswerte yung babae sa kanya dahil napakamartir niya (hahaha!). maswerte yun sa kanya dahil napaka-committed niya. Napaka keso niya. Napakasipag niyang mag-hatid-sundo routine (kahit wala naman siyang kotse at naglalakad lang.hehe). Napaka galante niya (hahahha!). Napaka- ideal niya (define “ideal”). Tapos. Sila na pero sabi ko madaya siya. Oo kahit na masaya ako para sa kanya, sabi ko madaya siya. Madaya siya kasi iniwan na niya kong mag-isa habang nagbibilang ng mga araw, buwan, taon, dekada, siglo, henerasyon na ako ay single (bow). Madaya siya kasi hindi ko na siya pwedeng asarin na “nagfee-feeling lang siya na may someone special siya”. Madaya siya kasi sabi ko lang madaya siya. Gusto ko lang gawing “katotohanan” na madaya siya. Sila na at nag-iisip bata nanaman ako. Naalala ko lang kasi nung 4th year highschool pa kame (malamang). Open forum yun nung farewell party namin sa CAT (co-officer ko siya), pagkatapos niyang basahin yung makabagbag damdamin kong sulat eh sabi niya saken “oo naman syempre ikaw pa rin ang mahal ko. Ikaw lang ang nag-iisang pinakamalanding uod para saken” (uod kase ang pinang-aasar nila saken.kadiri nga eh pero nasanay na rin ako). Wala lang, masyado lang kumintal saken. Sabi ko kase isa siya sa mga best male (as in female-male) relationships ko. Hindi kami mag-jowa, hindi kami kailanman naging mag-jowa at hindi talaga kami posibleng maging mag-jowa pero isa siya dun sa mga yun. Nasesenti lang ako. Siguro totoo nga ang tsismis na selosa daw ako (ows?). wala akong LP sa kanya (lihim na pagtingin.aww) noh, at sigurado yun. Isa lang talaga siya sa mga best friends ko at ang kaibahan (hindi naman talaga kaibahan) lang, lalake siya. Wala nga akong LP sa kanya pero feeling ko nagseselos ako. Kasi nung una siyang nainlab at nung naging sila ni Karen, syempre medyo nababawasan na yung time na magkakasama kami (ng tropa). Kailangan pa niyang ihatid si Karen, kailangan pang ganito, ganyan. Hindi mo na siya mahatak ng ganung kadalas (at ganung kabilis) tulad ng dati. “Pag-aari” na siya ng iba. Tapos ngayon ,heto nanaman.

Sila na at hindi pa rin ako sanay sa ganitong senaryo. Ang mga kaibigan kong lalake ay naiinlab at nagkakajowa. Ang mga kaibigan kong lalake na katawanan ko, ka-jamming, kakwentuhan, kainuman ay nahihibang sa mga kalahi ko. Nakakamangha lang.

Sila na at lahat naman ng mga tao sa paligid ko ay nagiging taken na. Mapababae, mapalalake. Hindi lang ako makapaniwalang napakabilis magbago ng mga bagay. Parang lahat nagbabago, lahat nagpapalit. Mga ilang taon pa aabay nanaman ako sa kasal at sa pagkakataong ito, isa na sa kanila (sa mga kaibigan ko) ang ikakasal. Sa susunod naman magiging ninang na ko ng mga anak nila. Ang kupad-kupad ko lang talagang makisabay sa agos. Hanggang ngayon hindi ko pa rin mayakap ng buong-buo ang ilang mga bagay na hindi naman maiiwasang mangyari. Mga bagay na parte na talaga ng buhay.

Sila na at well, kami pa rin naman. Magkaibigan pa rin naman kami tulad ng dati. Isa pa rin naman siya sa mga best male relationships ko. Isa pa rin naman siya sa iilang mga lalakeng minahal ko ng lubos (at minamahal ko pa rin ng lubos).

Sila na at napapraning lang ako.

Kelly, namimiss lang kasi kita talaga. Alam mong kahit na pa-tumbling-in man natin ang mundo, wala nang makakapalit pa sayo (vice-versa.dapat lang.hmp). Miss ko lang yung mga kalandian naten. Miss ko lang yung “akin” ka. Yung “amin” ka lang nila bambina. Sorry ayokong magdrama dahil sa kayo na. Masaya ka diba at alam mong alam ko yun kaya masaya na rin ako.

Sana one of these days, makilala ko rin siya. Date namen pero sagot mo. Bwahahaha!!!





8 Comments:

Blogger ai-lin said...

oh my God! ganito na ba ako katanga at wala aqng kaalam-alm, nakakaasar, nakakapraning... at higit sa lahat nakakapagtampo at nakakaselos na wala aqng alm to imagine na halos isng linggo na pla, October 1 at unti-unti ng nilalamon ng finals ang nalulusaw kong memorya... di ko alam kung panu iexplain pero ang alm ko lng feeling ko ang layo-layo ko na..hala..nasan na ba aq? kelly nasan ka na? kya pla d na ngtetext ang gago, may MAS special someone na pla..huhu..at WALA akong kaalam-alm... tenx deng, kung di ko pa binasa blog mo,mananatili akong inosente.

10/01/2005 06:11:00 AM  
Blogger Sinukuan said...

bambina ikaw ba yan? baket ganon hindi ko naman ma-access yung blog mo? kung ikaw nga yan (malamang ikaw nga yan) baket naman hindi mo alam? paslangin na si kelly at hindi ka inupdate ng loko! bwahaha! oo ayun may girlaloo nga. nagke-keso nanaman ako. nagseselos-selosan. nalaman ko nga lang dahil nga nagsoli siya ng longsleeves kung hindi dahil dun siguro hindi ko rin nalaman. anyway, let's give him the time. checheka din yun.

10/01/2005 06:48:00 AM  
Blogger Sinukuan said...

tska pala, baket naman feeling mo ang layo mo? haller dito lang ako...isang sakay ng special na trysikol. kaso mahal na 35 pesos na. hehe. wag ganyan bambina, wag sad. ako kahit di tayo nagkikita at nag-uusap ganun pa ren. i am so full of hope na walang nagbabago saten... wag sad tol. wag palamon sa agos.

10/01/2005 06:50:00 AM  
Anonymous Anonymous said...

pangokngakngokngak....
kausap q ang loko nung isng gbi sa phone kala ko nmn masaya na xa... marami pa rin pla xang grievances bout sa tago nyang relationship... masaya na aq for him kaso hindi nmn pulido, juz hope dat evrythin wil be olrayt... cge antok na aq 1am n yta..
pangokngakngokngak*

10/06/2005 09:21:00 AM  
Anonymous Anonymous said...

mga liwba! pinaguusapan nyo q h! hohohoho.... wakekekeke. pcenxa n tlga at d q nsbi ng maaga senyo. at daena, tama bang gawan aq ng blog!? hohohoh. sheda! ang hirap ng gento, back 2 basic aq!!! huuhuhhuh. oist shhhhs lng keo h. Para available p din aq. wakekekeke. ge. cenxa lyn. at daena... magtutuos tau. lande mo.... hehehehe. adios...

10/07/2005 03:21:00 AM  
Blogger Sinukuan said...

hoy kelly! ikaw pala tong anonymous na to. syet ka! hahaha. ano naflatter ka naman ba at may entry ako just for you? aba aba may kapalit to noh kala mo ba. hehe. yaan mo wala namang pic ng fetus kaya hindi malalman ng world na ikaw to. hehehe. sembreak na at talagang magkikita na tayo. humanda ka rin saken noh!

10/07/2005 07:58:00 PM  
Blogger Sinukuan said...

at anong para available ka pa rin? at anong back to basics? at tago pa rin ba kayo ng syuting mo? dami kong tanong kase ikaw eh hindi detalyado ang chismax.

10/07/2005 08:00:00 PM  
Blogger Sinukuan said...

pero siya nga, ang landi ko talaga.

10/07/2005 08:04:00 PM  

Post a Comment

<< Home

Free JavaScript from
Rainbow Arch