Image hosted by Photobucket.com Thursday, September 01, 2005

tagpi-tagping akO.

kagabi natulog nanaman akong nakadilat. hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin natatapos ang pagparada ng mga larawan sa aking harapan. medyo matagal ko na ring hindi nasisilayan ang kablangkuhan ng kisame. nakakamiss pala. nakakamiss din ang pagiging tulala. pagiging tulala sa mahika ng mga agiw. tulala sa pag-indayog ng mga butiki. kagabi natulog nanaman din akong namimintig ang tenga. hindi pa rin kasi humihinto ang bagyo sa tabi ng unan ko. mabibigat pa rin ang mga patak at nakakawasak pa rin ng katinuan. kaso medyo naninigas pa rin ang mga daliri ko ngayon kaya hindi ko rin magawang magbilang. ...ng mga gabing ...ng mga paradang ...ng mga bagyong unti-unting tumatalop sa laman ko. *******************
malapit na palang umalis ang nanay ko. pupunta daw siyang UK kasama ang bestfriend niya para mag care-giver. P96,000 daw ang sweldo buwan-buwan. kaya daw niya yun at makalipas daw ang dalwang taon eh kukunin na niya kame at dun na titira. nagulantang naman ako.wala yun sa plano pero mukhang siguradong-sigurado siya.tinanong ko kung pano kung hindi ako sumama sa kanila pag lumipad na sila papuntang UK.ang sabi niya hindi ko daw magagawa yun.hindi ko daw kayang magpaiwan. pakiramdam ko tuloy napupunit nanaman ako. kung hindi lang nagkakaletse-letse dito sa pilipinas, hindi naman kailangang mangyari 'to.
******************
sige, nagpadesisyunan ko na...hindi na ko magshishift sa fine arts. sige, tatapusin ka na nga tong film na to.mag-aaral na lang ako ng fine arts pag nakagradweyt na ko. para din may dahilan akong wag sumama sa UK.haha?.
******************
walang bagi sa ihip ng hangin.hayun marumi pa naman din. walang bago sa sikat ng araw.hayun nakaka-wrinkles pa naman din. wala namang bago sa salamin...pero bakit parang ang ganda ganda ko ngayon? syet walang aangal.




2 Comments:

Blogger Baddie said...

wag mo kami iwan dito sa lecheng bansang 'to! ... err... i mean... napakagandang bansang 'to. kaya mo ba 'to iwan? nyaheherz.

9/02/2005 12:26:00 AM  
Anonymous Anonymous said...

uu nga eh...ayoko din naman talaga.anyway, matagal2 pa un at marami pang pwedeng mangyari.baka may pumigil pa saken sa pagalis.kaya hoy pigilan nyo ko! hehe..

9/02/2005 04:09:00 AM  

Post a Comment

<< Home

Free JavaScript from
Rainbow Arch