Image hosted by Photobucket.com Sunday, October 16, 2005

babala: mas matalim ang dila kesa sa gunting.

sinong gusto ng sapakan? ng upakan? patayan? putcha gusto kong mag-amok talaga. as in ngayon. as in now na. lintek na bakla yan ginago yung gupit ko ! ! ! haller? isang taon ko tong pinahaba ! i repeat it ! isang taon ! isang taon akong nagtiis na wag magpagupit. hindi alam ng universe kung gaano kahirap para saken ung wag magpagupit ! sacrifice yun dahil napaka-insatiable kong tao at madali akong magsawa sa kahit anong bagay kasama na ang buhok ko! tapos. . . umaasa ako na magiging masaya ang feeling ng mahaba ang hair tapos medyo kulot pa. ipapaayos ko lang sana eh... papakortehan ko lang. tapos anong nangyari ??? hindi naman kasi ako vain eh. hindi ako ganung kaconscious sa itsura ko at hindi ako maarte talaga sa katawan in general kaso. . . nakakabadtrip lang kase talaga. siguro naman lahat ng tao eh gustong maging mukhang tao diba? at siguro naman kasama ako don? kaya yon. tangina lang talaga kase (okay tang-ama.feminist ako eh nakalimotan ko.tawa pa.tawa.) so. . . maghihintay nanaman ako ng isang taon para mapahaba to ! leche talaga ! ! ! at ayokong makakarinig na may magsasabi sakeng "ok lang yan, hindi naman masagwa ha." o kaya naman "ayos lang yan, maganda ka pa rin naman". tangina gagawa non. masunog na sana sa kinatatayuan niya dahil kahit sino hindi sasantuhin tong buhok ko. at alam ko yun kaya ayokong may mambobola saken. tanga siguro ko at malabo ang mata pero hindi naman ako bulag. at may salamin naman kami sa bahay. marammme. mabuti pa ang gawin niyo na lang eh samahan nyo ko sa pagmura sa gumupit saken o kaya naman ipagdasal nyo na lang na wag akong madepress at pagising ko bukas eh tawanan ko na lang ang lahat ng mga kaanghangan kong pinagsasabi dito at humaba na agad ang buhok ko. pero wag nyo na kong bolahin. please lang. ampanget lang kasi talaga. siguro dapat na kong bumili ng bagon pony tail para maipitan na lang tong buhok na to hanggang sa maging katanggap-tanggap na ang itsura niya. pota. dapat humingi ako ng pambili ng ipit sa baklang yun. . . . isa na lang putang ina talaga ! ! ! putang ama talaga ! ! ! (para fair.) ( pasensya na kayo naiimbyerna lang talaga ko. naging instant shock-absorber tuloy kayo.) (at isa pa, hindi ko talaga hate ang mga bakla.pasensya na sa paggamit ko ng term na yun dito. naiinis lang kasi talaga ko sa ginawa niya pero hindi ko rin naman siya hate as in siya bilang tao at bilang bakla.sana lang walang makamisunderstood kung sino man ang makakabasa nito.)




4 Comments:

Anonymous Anonymous said...

hayyy dear. sayang sembreak pa naman ano? nabadtrip ka pa. oh well. sana nga matawanan mo nalang yan.

(may na-violate ba ako? di ako nambobola ha! hehe.)

tawa lang friend. tawa.

10/16/2005 08:14:00 PM  
Anonymous Anonymous said...

hehehe.. eto na lang.. magpapagupit din ako.. trim lang ha.. sabi ko ung maiipitan ko pa.. habang ginugupitan ako.. sabi ko sobrang ikli.. hanggang sa end product.. taena boy cut na cia.. umiyak ako.. hehehehe.. sabi ko sknya.. pano ko iipitan yan.. kumuha cia ng clip.. clinip nia ung bangs ko.. sabi nya.. ayan o.. tangina db?? hehehe..

san ka sa san pedro? tga dun din ako e.. sa may united.. =)

10/16/2005 09:25:00 PM  
Anonymous Anonymous said...

boplaks din un noh leah?

10/17/2005 04:21:00 AM  
Anonymous Anonymous said...

but yes dear treze...eto natatwanan ko na siya.at tama wala kang na-violate! apir! hehe.

at ako na lang mambobola sa sarili ko, hindi naman pala masagwa eh..kala ko lang. hahahha.

10/17/2005 04:28:00 AM  

Post a Comment

<< Home

Free JavaScript from
Rainbow Arch