Image hosted by Photobucket.com Wednesday, October 05, 2005

kolads.

ako ay nagluluksa. napipi ka na kase at namanhid. hindi ko alam kung baket. bumara na ang koneksyon natin. natuyo na ang mga cellphone. natigang na ang friendster. unti-unti ko na nga ring nakakalimutan kung anong itsura mo eh. bumibitiw ka na ba? bakit. sabi ko tahan na. huwag ka ring maligalig masyado at kumapit ka ng mahigpit. baka mahulog ka. hindi ako si darna at hindi kita kayang saluhin ng ganong kabilis. mahina ako at alam kong hindi mo alam kung gaano ako kahina. baka hindi kita makayanan. marami na rin kasi akong pinapasan. masaya ka lang kasi lahat ng gusto mo nakukuha mo. pero mas mapalad pa ang mga walang malamon kesa sayo. huwag mo kong tignan ng ganyan. marami na ngang problema dito sa pilipinas at kahit pa martial law na tayo o hinde eh hindi na mahalaga. nasa impyerno na tayo talaga. oo, tumaas na naman ang pamasahe. alam kong dapat na kong maglakad na lang kaso baka hindi na ko makaabot ng buhay sa pupuntahan ko. paluma na ng paluma ang wallet mo at parami na ng parami ang linya sa mukha mo. pati varicose veins. tama ka rin, malapit na tayong magka-cancer.pero huwag mo kong tignan ng ganyan dahil alam mong papatay ako ng kapitbahay para lang may makain tayo. at syempre tatawa ka ng malakas pag nalaman mong ganun ang iniisip ko. hindi madali. hindi madali. ayoko diyan kasi naiipit ako. ayoko kasi hindi ako makatawa, hindi ako makasigaw. hindi ako makahinga. hindi nila ako kilala at parang ayaw naman nila akong makilala. anino lang ako diyan kaya ayoko. pero kailangan. ampootah. yehey. sa wakas magaling ka na. sa wakas marunong ka nag umubo. so ibig sabihin hindi na kita kailangan pang i-enroll sa school para lang matutong umubo. namiss kita. namiss ko yung smile mo sa umaga. pa-kiss nga. huwag kang masyadong lalapit. nangangagat ako. mukha ka pa namang masarap. maganda ka pa rin. maganda ka pala. maganda ka naman palagi. hmmmm.. malapit na ang sembreak. nasasabik ako. magkikita na ulit tayo.




5 Comments:

Anonymous Anonymous said...

hindi ko xa maintindihan pero at least naunawaan ko rin ng huli kz un n ang gustong icpin ng icp ko khit d p start ng finals nmen...
yehey.

10/06/2005 09:12:00 AM  
Anonymous Anonymous said...

eh..sino po ikaw?

10/06/2005 07:30:00 PM  
Blogger Sinukuan said...

hoy kilala na kita. si kelly ka. malandi ka bakit ayaw mong lagay pangalan mo? anonymous na ba ang pangalan mo? kelan pa? hehehe.

10/07/2005 08:01:00 PM  
Blogger Sinukuan said...

at nabasa mo ang entry ko tungkol sayo. feeling mo bathala ka na? harhar. sige lang malapit na tayong magtuos. humanda ka.

10/07/2005 08:02:00 PM  
Anonymous Anonymous said...

ang sweet naman...

10/11/2005 06:36:00 AM  

Post a Comment

<< Home

Free JavaScript from
Rainbow Arch