Image hosted by Photobucket.com Friday, October 14, 2005

kwentu-kwentuhan.

nagulat + natuwa = naloka oo. kanina kase galing akong school kinuha ko yung plates ko sa photography class ko. actually, super tinatamad akong pumunta kasi wala pang 30 mins. ang itinatagal ko dun samantalang halos 4 hours ang byahe ko balikan (from san pedro, laguna - diliman q.c). isa pa, kagagaling ko lang dun kahapon kasi nagpasa ako ng final paper sa broadcomm class ko naman kaya tinatamad na ko. kaso etong si pedok tumawag saken nung mga hapon (actually tumatawag din siya ng mga 11 am kaso hindi ko sinasagot kasi nasa kalsada ako nun) at ang sabi kunin na nga daw ung plates. napilitan tuloy akong sumugod kanina kasi last day na ng film department ngayon. pero ano itu? tama nga si pedok, matataas yung bigay ni sr sa mga last plates! matataas nga yung grades ko..at eto pa..may flat uno ako!!! as in! as in may nakalagay pang V.G! woah...as in naloka ako talaga. yun pa naman yung hindi ko ineexpect na mataas yung grade kasi desperado na ko nung kinuha ko yung pic na yun. landscape pa yun ha at sa loob lang ako ng campus nagkuha ng pic.so, finally nawala na worries ko sa final grade ko dun.sure na ko na makaka line of one ako dun. baka 1.5. ayos na yun. nakonsyus + kinabahan = napraning kaninang pagsakay ko sa MRT, may mamang sumakay din. nung nakatayo pa lang ako nakatingin na siya saken tapos nung umupo na ko nakatingin pa rin siya. tapos nung bumaba na kami sa quezon ave. station kasunod ko rin siya. pagbaba ko ng hagdan akala ko nagdisappear na siya. naglakad na ko sa may sidewalk kung saan lahat ng galing sa MRT eh naglalakad. tapos maya - maya nakita ko nanaman siya. binabagalan ko yung lakad ko para huwag ko siyang makasabay kaso palingon-lingon siya tapos nung nakita niya ko, tumigil siya at pinauna niya ko. napraning lang ako kasi feeling ko sinusundan niya ko.binilisan ko yung lakad ko hanggang sa makarating na ko sa terminal ng jeep papuntang UP campus. nag-disappear na siya.whattarelief. akala ko naman sinusundan niya ko talaga. wala lang, napraning lang ako talaga. akala ko ihahanda ko na ang mga deadly weapon ko.hehe. nakatapos + nakalagpas = nagbakasyon finally, tapos na ang first sem! yeyness! hindi ako makapaniwala na nakasurvive ako.wow.inaamin ko talagang nahirapan ako nitong sem kasi imagine kakashift ko lang ng course at campus.sobrang daming adjustments at ang dami talagang pagbabago kaya ayun hassle.pero ayan ang saya lang isipin na ang dami kong naaccomplish ngayong sem na to. imagine, nakasurvive ako sa photography class ko na matataas ang grades ko? waw. at nagawa ko yung paper ko sa broadcomm ko na ayos den? tapos nakasurvive ako kay sr rene villanueva na sobrang pasaway? at nakarir ko rin ang film 100 ko? pati yung urban sociology ko na-keri ko? pati din syempre yung comm100 ko na sabi ng sub naking prof eh pang masters daw ung topics? haay.ang saya saya lang. this 2nd sem alam ko mas mabigat pa.18 units pa ren pero puro majors na tsaka dalawang PE.sasali na rin ako ng maraming org.haller sana lang mabuhay pa ko after nun. pero ngayon, relax muna ko.pasarap muna naman.weee...




5 Comments:

Anonymous Anonymous said...

weee... enjoy to ha...

inantok + tinamad = BAGSAK!

ahhahaha!

10/14/2005 05:32:00 AM  
Blogger ai-lin said...

mas masaya ang summation statement na to:

walang tulog + finals + research work= kopyahan..
nyek... kanina lng aq natuto nyan... mga clasm8 q rin d p pla nkakapag-aral... kaya ayun, teamwork.

10/14/2005 02:00:00 PM  
Anonymous Anonymous said...

stellar, sa college of mass comm ka? i have a friend there. she works as a librarian dun, si irene balucos. :)

10/14/2005 06:35:00 PM  
Anonymous Anonymous said...

yup cmc po ako..wow dun ba friend mo? di ko siya kilala eh pero malamang lagi ko siyang nakikita dun.hehe.

10/16/2005 06:22:00 AM  
Blogger Sinukuan said...

haller naman sa inyo.
comments + sharing = masayang stellar

yehey!

10/16/2005 06:24:00 AM  

Post a Comment

<< Home

Free JavaScript from
Rainbow Arch