horror kwento.
bukas uulan ng daga.
maraming-marami.
magtatakbuhan sila.
papaikot sa kinatatayuan mo.
patalon-talon sa mga paa mo.
pasabit-sabit sa damit mo.
titili ka ng titili hanggang sa mapaos ka.
hanggang sa mahilo ka.
hanggang sa wala ka ng maramdaman.
sabihin na nating hindi ako naging successful bilang isang cartoon star.
nilangaw ang shows ko. nalugi nang nalugi.
ang masama pa non, mismong ako ang ayaw tumangkilik sa sarili kong gawa.
nasusuka kasi ako.
nagpupumilit akong kumawala sa kulungan ko eh samantalang itinataboy naman
ako sa tinatakbuhan ko.
hindi raw kasi ako bagay dun.
ah, at kaya naman pala dumudugo na naman ang mga daliri ko.
totoo nga.
dahil dito natatakot ako.
sobrang natatakot ako.
natatakot na 'kong managinip pati magising.
natatakot akong malaman na hindi ko na kayang sabihin ang kaibahan ng dalawa.
2 Comments:
identity crisis..?
uso yata ito lately..?
oh well, if, for anything, it was fun while it lasted.
the colors made my day.
baka ako adpat ang maging cartoon.
joke. hope i just made you smile.
identity crisis?
gawd i hate that word. (pero i don't hate you for saying that syempre.)
at uso?
i don't think so. lahat ng tao naeexperience yan - constantly. regardless of your age, generation, social status ek-ek. even you or that somebody beside you.
pero still ang pangarap kong maging cartoon ay hindi pa rin maglalaho. period.(syet)
Post a Comment
<< Home