Ganito ako kapuyat. Ganyan. Ayan ang tamang illustration sa kahitsurahan ko.
Paanong hinde eh galing akong debut kagabi. Debut ni super Orang este Strawberry pala. Sa Max Binan ginawa mga 7 pm yung (supposed to be) start niya. Ayos naman kaso medyo hindi organized ang utak ko at pagkatao kagabi. Mga 6 pm na yun at hindi ko pa alam ang isusuot ko. Kinukulit ko pa rin si mama tungkol dun sa oblong na bilog niyang hikaw na gusto ko sanang suutin. Tsaka kung anong isusuot kong sapatos. Tsaka kung pwede ko bang ipanregalo yung scrapbook ek-ek dito sa bahay at kung may gift wrapper pa ba kame. Yun tuloy and ending eh wala na lang akong regalo. Kadirs talaga ko! Eh kase ang totoo medyo nawindang din ako dahil nung Friday ko lang nalaman yung buong detalye ng debut kaya hindi ako prepared talaga. Sobrang biglaan siguro kaya kahit invitation eh wala ako though kasama ako sa 18 candles.
Nagmeet kami ng super best bud ko na si Dadang sa Mcdo (malapit lang pala sa Max) kasi hindi naming alam pareho yung papunta nga dun sa venue. Galing pa siyang seminar sa Calamba. Mga chenelyn ever lang dahil nga nursing ang course niya. So ayon haggard pa siya sa byahe. Kumain muna kami sandali. Actually, napilitan lang akong umorder ng sundae para makatambay ako sa loob ng Mcdo. Siya kumain ng Burger kase halatang tomguts siya. Umalis na rin kami pag dating ng iba pa naming friendships – si Amie, Kat at Mark. Nilakad lang namin papuntang Max at medyo naligaw kame. Hallur? Yun pala ang lapit lang. Nagpagewang-gewang pa kame ng daan. Feel lang siguro naming (o ako lang ang may gusto?) magsagala with all the dress and chorvas. Hehe.
Pag dating namin dun, andami ng ka-pipol-an. Kaso medyo nahaggard naman ako dahil feeling ko ako lang talaga ang nakatotoong semi-formal. Wala lang. OP. Buti na lang nagbihis na si Budz ng semi-formal. May kasama na ko. Yehey. Tapos yun konting chorva muna hanggang sa dumating na ang celebrant. Mataray ang lola dahil mag-aalas-otso na po siya dumating. Pero in fairness isang dyosa ang lola mo! With the balloon-like hair with matching korona effect at mga bato-bato sa kanyang coral fink na gown! Perfect! At with the escort na kanyang childhood “bestfriend” (hello? Bestfriend?) daw na si Jet na isa ring fahfah.
Konting kodakan lang tapos chumibog na kame. At totoong wala pa rin kaming pinagbago, mga halimaw pa rin kame pag dating sa pagkain. Lalo pa mga barako kasama ko. Walang tira, ubos lahat! Kaso konti lang nakain ko kase wala akong gana. Chicken lang tsaka lumpia kinain ko kase ayoko nung hipon. Allergic ako. Tsaka ang lamig-lamig kaya nawalan ako ng gana kumain.
After nun 18 roses na. Syempre alam nyo na yun. The usual 18 roses kaso medyo kadirs din kase happy birthday yung tugtog. Parang hello? Ang kinder-ish naman yata? Tsaka hallur? Yung mga nakipagsayaw eh hindi man lang nagsuot ng totoong semi-formal. Mga 2 lang yata yung nakaporma talaga maliban dun sa tatay. As in kaasar lang dahil sabi semi-formal tapos ganon. Ang bonggatious pa naman ni Straw tapos ganun ang mga kahitsurahan nila. At least ako kahit hindi prepared na-keri ko pa ring mag-costume ng naaayon sa patakaran (bow). Wala lang, haller lang naman sa kanila.
Tapos syempre nun eh 18 candles. So the usual din. Nung ako na syempre gumawa nanaman ako ng eksena noh. Una, mali nanaman ang bigkas sa pangalan ko (lagi naman eh). Nag-explain pa ko na ganito po yun basahin: dey-nah (with the H talaga ha). Pangalawa, naguluhan naman ako dun sa picture taking habang sinasabi mo yung message mo sa celebrant. Naguluhan ako kung po-pose ba ko o hinde. Pangatlo, muntik na kong magpa-cry effect habang nagsspeech ako. Buti na lang na-keri kong pigilin kundi…hello naman saken noh gumagawa ako ng moment ko.
Tapos 18 gifts naman. Hang ginagawa yun wala lang kame, chumichibog pa rin. Sinisimot ung mga natira. Hehe. tapos nag-iinuman na lang. Hanggang sa mag-disco nah. Kamusta naman yun noh mga walo lang yata kaming nagsasayaw dun at nagmistulang interemission number ang ginawa namin. Masaya sana. Actually masaya naman kaya lang sana naging mas masaya kung walang KJ. Feel na feel ko pa namang mag-party-all-night. Feel na feel ko lalong magdisco. As in nitong mga nakaraang araw ko pa gusting sumayaw. Alam mo yon. Namiss ko tuloy bigla si Michael. Kung nandun yun hataw together kame. Ewan ko basta gusto ko lang sumayaw talaga ng sumayaw. Gusto ko na ngang pagyayayain yung mga tao dun na makipagsayaw saken eh kaso nawalan din ako ng gana. Uminom na lang tuloy ako ng uminom habang sumasayaw yung mga daliri ko sa paa. Ayun tuloy medyo tinamaan ako. Syet ang pula-pula ko grabe. As in first time kong malasing ng ganun. Haaayyy..bakit pag si peter ang ka-jamming ko hindi ako tinatablan?!!! Kung sabagay madali talaga kong malalasing kase inistraight kong inumin yung beer sa isang dangkal na baso eh.mga 3 bote. Wala pang yelo. Wala ring kwentuhan. Kaya ayon.
Tapos nung sobrang kumokorni na ang atmosphere at nagmimistulang wallpaper na kaming lahat, nagdecide na kaming umuwi. Hinatid kame ng escort ni Straw na si fahfah Jet sa may boundary kung san kami sumakay ng tricykol pauwi sa mga bahay2 namen. Si budz ko samen natulog kase wala ng sakayan papunta sa kanila. Sa bundok kase yon. Hikhikhik. Kasabay namin si Jet (ibang Jet naman to) pauwi at nilibre niya kame ng pamasahe. Ayos.
Pag dating sa bahay, medyo nag-ayos2 lang kame ng katawan at kahitsurahan tapos nahiga na kame ni budz. Dun siya sa sahig natulog sa kutson ng utol ko at ako naman sa kama ko. Dun kame sa kwarto ko syempre. Hindi kame natulog agad syempre at nagkuwentuhan lang. Medyo emotional nga ang usapan namin eh at in fact, naiyak ako (nag-eemot nanaman). Pero alam mo yon, sobrang saya lang. First time nga niyang mag-overnight samen eh at first time naming mag-spend ng time together (yak pa-cono kuno).
For sure nakatulog siya pero ako hinde. hindi talaga. Nakapikit lang ako sa loob ng 3 hours. Mga past six nung nagising siya at umuwi na rin agad. Ako naman naligo lang tapos nag-Milo at eto nagkokompyutere na. Wala akong balak matulog kase wala lang. bukod sa marami pa kong gagawin eh hindi naman talaga ko inaantok kahit puyat na puyat ako. Ewan ko pero ganito talaga ko eh tuwing puyat. Kahit puyat ako hindi pa rin ako natutulog sa umaga. Kaso may kaproblema-han ako dahil ang sakit ng mga braso ko. Hallur parang may arthritis ako. Siguro dahil lang sa sobrang lamig kagabi sa loob ng Max’s.
Si cha-cha nagtatampo saken kase hindi ko siya nabati nung birthday niya. Hu-hu. Hindi ko naman nakalimutang birthday niya eh at actually mga ilang months pa lang eh binabati ko na siya. kaso hindi ko lang talaga siya nabati nung mismong araw. Alam ko ang bad ko at ang lame ng paliwanag ko pero yun. Sorry lang talaga cha. Super sorry.
Hay nako, nababalutan ako ng breaking-up atmosphere. Ang daming nagbe-break these days or kung hindi naman ang dami kong nababalitaang matagal na palang break pero ngayon ko lang nalaman (kinapos sa eavesdropping skills?). wala lang, medyo sad lang.
Hay nakech! Ang ganda-ganda ng mga kanta ng orange and lemons! Huwaaaw! Naiinlab na ko sakanya (yung kumakanta) kase ang uber ganda ng boses niya! Ang lamig-lamig sa tenga tsaka hindi cliché-ish yung dating. At least siya walang kaboses (or kung mereon man hindi marame) di tulad nung iba diyan (The Calling, Spongecola, Creed, Lifehouse and the like).
Yeyness! May Christmas tree na kame tsaka red na parol! Woohoo finally naïf-feel ko na ang Christmas (medyo lang)!!! Hindi lang yun, nakasabit na yung mga medyas namen para lagyan ng gifts ni Santa Claus! (though natukalasan ko ng hindi pala siya totoo. Pero gusto ko pa rin siyang gawing totoo kaya ayon) Yahooooo!
1 Comments:
hahaha.. nobela nga.. =)
gusto ko ung header mo.. ganda.. =)
tska perstaym ko nakarinig ng gnun.. happy birthday sa 18 roses.. hehehe.. la lang..
sandali.. nga pala..nagandahan ako sa "nababalatan"
Post a Comment
<< Home