pasawsaw sandali.
Me: Ma, may Christmas countdown ako.
Mga anim na taon na ang nakakalipas, ganito rin
Mga anim na taon na rin ang nakakalipas ng una akong makatanggap ng regalo mula sa isang manliligaw (kuno. Whatever). Tanghali
Mga anim na taon na rin ang nakakalipas ng mag-celebrate kami ng pasko sa bahay lang. kaming anim: si papa, si mama, ang dalawa kong utol na si pao at jhun2 (na dede talaga ang tawag ko sa kanya), ang aso naming si Ian (o si mojacko, o si chubby. Nakalimutan ko na kasi ang dami2 nila) at ako. Konti lang naman ang handa naming nun: barbecue, black forest cake, spaghetti, graham cake, menudo at mga kung anu-anong prutas. Wala rin namang masyadong kakaiba sa gabing nag-Noche Buena kami, naonood lang kami ng fireworks na galing sa isang subdivisiong maraming nakatirang mayayaman. Kumain lang, nagpatugtog at nagkwentuhan at nagtawanan. Wala naman talagang kakaiba dun pero ewan ko ba, hanggang sa ngayon hinahanap-hanap ko pa rin yung mga sandaling iyon. Iyon pa rin ang pinakamsayang paskong naaalala ko. Sa totoo lang, yun lang ang paskong narmadaman kong pasko nga talaga.
Medyo nakakapansin na ko ha. Parami na ng parami ang namimihasang humawak ng buhok ko. Nung una, si Em. Nag-uusap lang kami non ng bigla kong naramdamang kinakalikot na niya yung buhok ko. Pangalawa, si Carshz, ganun din. Nung nagkita kami sa daan minsan, habang nag-uusap kami bugla niyang kinali-kalikot yung buhok ko. Pangatlo (kanina lang), si Patty, imbis na kalabitin niya ko para makuha yung atensyon ko, hinawi niya yung buhok ko sa balikat.
Hmmm..dalawang bagay lang yan, pwedeng magulo ang buhok ko o kaya naman eh masarap hawakan at kalikutin kasi kulot. Alin naman kaya dun noh? Haller.
Jam-packed na talaga ko sa sabado. Una, may mini Olympics kami sa org (sa UP CAST) tapos kanina lang eh may nangharang samen ni Carshz na pogi sa may main lib walk at bigla kaming inin-vite sa orientation ng UP Red Cross Youth sa sabado rin. Tapos manonood pa ko ng Pagdadalaga ni Maxi kase required kame. !0-1:52 (hehe) yung Olympics tapos 9-12 yung orientation. Manonood din ako ng Harry Potter kase niyaya ako ni Pedro. Eh libre so why not dava?
argghh.. ang dami ko pa namang naka-sked na gagawin...
Time can only tell. (yak baduy)
Pag may naiwan ka sa nakaraan, tapos hindi mabura-bura, napapnaginipan mo pa, napapraning ka na. . . intay ka pa ng mga ilang taon at malalaman mo rin kung ano ba talaga ang kahahantungan.
Tulad ng ginagawa ko. Limang taon na kong naghihintay. Kaya ko pa.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home