reality check.
Hindi ko alam kung dapat ba kong matuwa. Si Mam Libay kase – yung prof ko sa Film 112 at 121 which means The Language and Grammar of Film at Scriptwriting. Bow. – tinanong kame isa-isa sa klase kung anong balak naming gawin after naming makagraduate. Nakakaloka kaya yun lalo na para sa tulad ko. Haller panong hinde eh hindi ko pa nga sure kung makakagraduate ba ko (nako) at kung hanggang kelan pa ba ko bubuhayin ni Lord. I mean, hindi ko pa talaga planado kung saan ako magtatrabaho at kung ano ako in the future. Hindi ko ma-carry. Hindi ko pa talaga ma-imagine ang sarili ko. Pero sinabi ko na lang na gusto kong maging animator. Ashus. Instant dream ng lola mo. Gusto ko lang naman kasi talagang mag-drawing, mag-design at magsulat eh. Yun lang. Kaya siguro pwede akong animator. Tamang-tama pangarap ko namang maging cartoon at isa pa mukha naman talaga akong cartoon. Wala lang naloka lang ako kase parang hindi katanggap-tanggap kapag sinabi mong “I don’t know pa po eh kung ano ko in the future.” Pero in fairness ha meron ding mangilan-ngilan na ganon yung sagot. Na ganon yung nararamdaman – parang ako. Thankfulness nga naman oh.
Oo, isa na itong sumpa talaga. Isang sumpa saken dahil ako ay isang babae. Imagine, mag-iisang buwan na kong may muscle cramps dahil lang sa pesteng regla na ‘to. At ngayon naman ang sakeeeet ng puson ko pati balakang ko likod ko hita ko paa ko at lahat na dahil pa rin don. Hindi na ko nasanay eh pitong taon mahigit ko ng dinaranas to. Feeling ko tuloy sa tuwing nagkakaganito ko wala ng iba pang sakit ang di ko kakayanin. Swear. Ganong kahirap.
Ano itu? May kung ano daw na nangayayri sa mga Engineering students? Ha? Yung jowa ng friend ko nakikipag break na sa kanya dahil . . . wala lang. Sabi ng friend ko, minsan daw ang kulit – kulit. Gusto siyang makausap. Minsan naman naiinis sa kanya at ayaw siyang makita man lang. Sabi naman ng mga kaibigan ng jowa niya eh sobrang ngarag daw sa pag-aaral talaga. Tadtad ng projects, exams, evornights choochoos. Baka daw talagang nasstress lang. Tuloy tong friend ko naloloka na. Mag-ne-nervous breakdown na nga daw siya dahil sa ginagawa ng jowa niya. At eto ang mas malala, gusto nyang imestigahan naming kung anon a ba talaga ang nangyayari sa jowa niya. As in iimbestigahan naming. Waaaa. Natuluyan na talaga. Anyway, go naman ako dun kung gusto niya talaga. Dakilang sidekick! Naalala ko rin tuloy yung super classmate ko na shiftee din from Engineering. Nakupo. Napa-weird niya. As in. para siyang may sariling mundo. Tapos yung isa rin na kinuwento nung friend ko (ibang friend) na meron daw sa
Eto ang greatest shocker of the year ko. May bago akong crush sa Masscomm. As in sa
Ang saya saya saya saya saya saya ko! Baket? Kase may bago akong BAG! Hehe. Alam nyo kase adik ako sa bag kaya at the moment na napadaan ako sa SM eh instantly binili ko na tong bag na natipuhan ko. Buti na lang may dala kong pera. Kaso dahil dun kailangan ko tuloy pigilan ang katakawan ko at magtipid ng baon. Huhuhu. Anyway kebs pa rin ako basta in love ako sa bag ko. Hmp.
Magsisimula na yung creative writing workshop na isasagawa ng mga friends ko from LB na lumipat din sa DIliman. Interesado ako at niyayaya nga nila ko kaso parang hindi pa ko handing sumali sa isang writers’ pool. Parang gusto ko munang mag-explore at mag-aral magsulat ng mag-isa. Tsaka isa pa, short stories yung ginagawa nila eh hindi ako sanay sa ganon kaya nga ngayon nag-aaral akong mag-isa. Gusto ko talagang magsulat at alam kong importanteng sumali sa mga workshops pero hindi pa ko handa para dun. Tsaka na lang siguro.
3 Comments:
btw, it's a song.
http://timeaftertime101.blogspot.com/
because you've been such a good friend.
o sige, tili na. (covers ears. and then smiles and smiles AND smiles.)
so ganyanan na pala ha.
yup. uso iyan ngayon.
kumakain ako french fries. gusto mo..?
Post a Comment
<< Home