Image hosted by Photobucket.com Wednesday, December 21, 2005

1-2-3 emote!!!

haynako. nag-eemote kame sa pic. hahaha. I just want the entire blogsphere to meet one of bestest best friends - (tentenenen!) Michael. Well, let's just say na nag-sesenti ako. Nagsesenti talaga ko. How can't I eh may hang-over pa ko ng "party" nameng dalawa kagabi? Haynako tuwing kasama ko 'tong kumag na 'to eh feeling ko nasa neverneverland ako (thanks pareng erik for reminding me of that place). Never kaming naubusan ng mapag-uusapan at ng mapag-tatawanan! hehehe. Kagabi lang eh kung san-san na napunta ang usapan namen. From King Kong, to mga kabaduyan in HS, past love lives, sexual stuffs (!!!), films, Truth and Reality (?), mga pangarap sa buhay (yung plano naming gumawa ng documentary, magtayo ng art gallery, at maging artist at mukhang artist forever), yung tungkol dun sa hindi niya pagsali sa dance org dahil ayaw niyang maghubad,yung mga munting bagay na natututunan namen, kung gaano ko kasama (?!), yung mga kabaliwang gusto kong gawin, yung mga ka-cheap-ang gusto naming gawin (???) at maraming-maraming-marami pang iba. Naalala ko tuloy yung sinabi niya : Sa college mo lang malalaman yung worth ng barkada. Tama nga. Ngayon, obviously kanya-kanya na kami ng buhay. Madalang ng magkasama. May kanya-kanya na ring set of friends sa kung saan. Pero totoo nga, yung mga matuturing mong true friends ay yung mga taong kahit hindi mo nakikita,nakakasama o nakakausap eh hindi pa rin nagbabago at naniniwala pa rin sa friendship nyo. Yung mga taong hindi talaga umaalis. Hindi talaga bumibitaw. Marami na kaming napagdaanan nitong kumag na 'to. First year HS nung nagkakilala kame pero mas malalim pa yung friendship namen kesa dun sa mga mas matagal ko ng mga kaibigan. Ang nakakatuwa pa, kapag magkasama kame (at ganundin yung iba ko pang mga best friends) eh parang walang nag-eexist na problema sa mundo. Parang wala kaming konsepto ng oras. Parang hindi kami mamamatay. Feeling ko kaya kong gawin kahit ano at magiging maayos pa rin ang lahat. Sa tingin ko malalaman mo na talagang true friends mo yung kasama mo kapag nagiging mas mabuting tao ka. Kapag tinutulungan ka nilang maabot yung mga pangarap mo at suportahan ka to death basta alam nilang makakabuti yon para sa'yo. Mga totoong kaibigan lang din ang kayang ipahanap sayo ang mga sagot na matagal mo ng hinahanap na hindi mo alam eh nasa sarili mo lang din pala. Ngayon, sa dami ng taong nakakasalamuha ko araw-araw, sa dami ng mga mukhang hindi ko sigurado kung nagpapakita ba talaga ng tunay nilang anyo, sa dami ng aninong umaali-aligid sa'kin sobrang masaya ako at grateful sa pagkakaroon ng mga kaibigang meron ako ngayon. Mahal ko ang tropang wheew. Whoooo!!!Amen. At sobrang gusto ko lang ding mag-thank you sa'yo Mike (though alam kong hindi mo binibisita tong blog ko) dahil hindi ka bumibitaw. Thank you sa lahat - lahaaaat. Thank you sa pagdalaw-dalaw mo saken paminsan-minsan sa bahay. Sa mga kwentuhan habang umiinom at kumakain ng..?). Sa mga thoughts mo na kahit gaano ka-private eh shine-share mo saken. Thank you sa pagiging honest saken palage. Sa kung gaano ko kasama (?), sa pagtatanong kung bisexual ba ko, sa pagsasabing naaalala mo ko pag nakikita mo si rachelle ann go, sa pagsasabi na nerd ako at higit sa lahat sa pagsasabing maganda nga ako pero wala naman akong boyfriend. Wala ng a-honest pa sayo. (pero i love the Maganda part ha.hehe). Kaya sobrang thank you. Salamat. Salamat. Ayalbyu poreber!!!




2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

maganda nga ako pero wala naman akong boyfriend.

talaga...? :)

u r steeeeeeelllllaaaaaarrrrrrr.........

-rad-x

12/21/2005 08:14:00 PM  
Blogger Sinukuan said...

hey mr rad-x. hindi ko po ma-access yung blog mo...T_T




at ung tungkol sa maganda ako.
oo totoo yon.
hahahahaha!!!

12/22/2005 04:20:00 AM  

Post a Comment

<< Home

Free JavaScript from
Rainbow Arch