Image hosted by Photobucket.com Friday, December 23, 2005

hindi libre ang mangarap kaya may isang batang nagmumukmok.

Nako. Malapit na nga ang pasko. Hindi na papipigil. Kanina nga lang sinama ako ni mama na “mag-shopping” sa festival. Nagpapapalit lang siya ng 100 dollars. Nakabili naman kame ng 4 na t-shirt. Para sa dalawa kong utol, sa kanya at saken. P800 worth ng gift cheque ang gamit namin. Actually, regalo yun ng kaibigan ni nanay (lola ko) kay DJ (bunso kong kapatid). Pero dahil bulinggit pa nga yung kapatid ko (3 yrs old) wala namang damit na mabibili para sa kanya since sa RRJ yung gift cheque.

Medyo siksikan din kasi syempre sale. Kanya-kanyang halungkat sa mga tumpok-tumpok na damit na iisa lang naman ang size. Ang jojologs pa ng design. Maswerte ka na kung may magustuhan ka.

Pinilit lang ako ni mama na pumili ng t-shirt para sa sarili ko. Sayang naman daw kasi yung cheke. Wala talaga kong nagustuhan pero pumili na rin ako. Pampadagdag din yun sa mga damit ko.

Tinanong ako ni mama “ano bang bibilin mo?”

As usual nung una sabi ko “wala”

Tapos nung sumunod, sabi ko na “yung pantalong sinabi ko sayo. Yung gusto ko”

Ang tinutukoy ko eh yung di-taling pantalon na maganda ang tela na nakita ko sa tiangge sa UP Diliman. Yon. Ganon yung gusto ko. Sabi niya may nakita na rin daw siyang ganun sa mall.

Eh di hanap naman kame. Ginalugad namin lahat ng tindahan. May nakita kami pero malalaki yung size tapos isang size lang kase sabi nung tindera di-garter naman daw. Malas ko lang kasi seksi ako (hehe) kaya maluwag saken lahat. Kung hindi naman maluwag eh baduy naman (sa tingin ko) dahil may mga sulat ng intsik at kung anu2 pa. Eh ayoko nun. Yung iba naman pangit yung tela. It’s either manipis o magaspang o matigas. Wala nung tulad ng nakita ko. Wala nung tulad ng gusto ko.

Tapos nun naghanap ulit ako. Sabi ni mama puntahan ko na lang daw siya dun sa household section. Eh di naghanap naman ako kahit na alam kong hopeless na talaga. At pag punta ko sa kanya nakasimangot na ko.

Sabi niya “oh ano, wala?”

Umiling lang ako.

“kawawa ka naman.”

“dapat kasi binili mo na yung nakita mo. Dapat humingi ka na ng pera”

Tapos tuloy na ulit ang pamimili niya ng mga regalo para sa kung sino-sino.

Ano? Paano naman ako hihingi ng pera eh walang araw na dumaan na hindi nila sinabi na wala kaming pera? Hindi na nga ako nakapunta sa Oblation run at Lantern Parade kasi wala na kong baon. Sabi kasi nila wala ngang pera kaya hindi ko na sinubukang manghingi ng pera. Hindi ko naman kasi kaya yung ginagawa ng utol ko na hingi ng hingi ng pera kahit na halatang halata na niya na wala ngang pera. Ni pamasahe nga sa tricycle hindi ako makahingi, pambili pa kaya ng pantalon?

Kung iisipin nyo, pantalon lang yun. Oo pantalon lang yon. Pantalon lang yon pero nagkakaganito na ko. Pero hinde, higit pa yun sa inaakala nyo. Minsan ko lang makuha kung ano ang talagang gusto ko. As in minsan lang. Bihira. At minsan lang ako makatagpo ng bagay (o tao) na talagang gusto ko kaya masakit saken pag hindi ko nakukuha yon. Kasi hindi naman ako palaging humihiling. Minsan lang talaga. Minsan lang ako humiling ng para sa sarili ko.

Wala naman akong sinisisi dahil sa wala kaming pera. Mahirap lang talaga ang buhay at lalo pang humirap dahil natigil sa pagtatrabaho si papa. Na-cancel yung kontrata nila sa Canada kaya biglang uwi siya dito. At saka ibibili naman talaga ako kung nakita ko lang yung gusto ko. O kaya naman, mabibili ko naman talaga yung gusto ko nung unang beses na makita ko un sa tiangge sa UPD kung may pera lang sana ako nung araw na yun. Kaso nga ni pambili ng iced tea na tiglilimang piso eh wala ako eh. Poverty talaga.

Masyado lang talaga kong nabo-broken-hearted kapag dumadating yung mga pagkakataong tulad nito. Gusto kong mainis pero wala naman akong masisi. Wala akong maaway. Kasi gaya nga ng sinabi ko, minsan lang ako makakita ng bagay o taong gustung-gusto ko – tapos madalas, hindi pa napapasaken. Minsan na nga lang ako humiling. Hindi naman ako madamot. Tsaka alam ko namang deserve ko kung anumang hinihiling ko. Pero bakit ganon?

Tama ka Michael. Hindi nga libre ang mangarap.





6 Comments:

Blogger yayam said...

ganyan talaga buhay..libre naman mangarap eh..pero hindi lahat natutupad. kaya mas mabuting wag na lang..pero it's still good to keep on dreaming so that you'll have something to hold on..

:)

12/26/2005 04:29:00 AM  
Blogger Sinukuan said...

hay tenkyu guys. wala lang. nadala lang ako talaga ng emosyon ko. natauhan na ko...sa wakas. hehehe.

12/26/2005 05:24:00 AM  
Blogger ai-lin said...

hindi makakapasok ang araw sa pinakaloob ng kweba.

12/27/2005 05:14:00 AM  
Blogger Sinukuan said...

?

12/27/2005 09:31:00 PM  
Blogger Sinukuan said...

?

teka. magrereflect muna ko.

12/27/2005 09:31:00 PM  
Blogger ai-lin said...

na-gets mo na ba? we, human beings, have unlimited needs, wants, desires, etc.. dumating na kasi aq sa point na naicp ko kailan ba talaga na-sasatisfied ang tao, i min, satisfaction that last, pero i realized that they just stay for a moment, all we had to do is to cherish that moment, kasi hndi yun magtatagal at madalas hindi rin yun ang pinakagusto mo.

1/01/2006 02:07:00 AM  

Post a Comment

<< Home

Free JavaScript from
Rainbow Arch