Kaninang umaga, malamig. Pinagsamang simoy ng hangin tuwing pasko at saka singaw ng lupa tuwing umuulan. Maaga akong nagising pero tanghali pa ang pasok ko kaya tumambay muna ko sa kwarto ko. sa 2nd floor ng palasyo namen. Kakaiba tong umagang to kase first time kong tumambay dun ng walang tugtog. Nung una nagpapatugtog naman talaga ko pero pinatay ko na lang yung radyo. Feeling ko kase puro ingay lang ang isinusuka ng mga FM stations. Ayokong lumamon o malamon ng suka. Nagliligalig na ngang magaling ang utak ko pati ang simura ko eh…
Ang totoo nostalgic ang mga ganung eksena para saken. Umuulan, malamig, mag-isa lang akong nakakulong sa pink kong kwarto tapos ubod ng tahimik. Tuwing dumarating saken ang mga ganung pagkakataon , malamang isa lang sa tatlong to ang ginagawa ko: kung hindi ako excited na nagbabasa ng bagong librong nahiram ko sa layb eh nagsusulat naman ako ng kahit anong nagpapakati sa mga daliri o ko di kaya wala lang, nakatingin lang ako sa kisame habang pinapanood ang mga imaheng gawa-gawa ko lang at ako lang ang makakakakita.
At kanina nga ginawa ko ang isa sa mga yun.
Nagsulat ako. Nagsulat ako sa colorful kong stripes na journal. Yung malaki. Yung bagong bili ko nitong pasukan ng 2nd sem. Nagsulat ako pero hindi tulad ng mga nakagawian kong isulat ang isinulat ko.
Nagdasal ako.
Nagdasal ako kay Lord (oo kay Lord at hindi sa kung sinong lord) at iyon ang isinulat ko sa journal ko. Isinulat ko para siguradong wala akong makalimutan at para may format ang dasal ko (OC kase ko talaga pagdating sa mga format ng mga bagay-bagay). Syempre hindi naman siya mukhang peyk. At hindi talaga siya peyk. Galing sa puso ko lahat ng isinulat ko dun. Pati yung mga luhang pumatak sa papel galing lahat sa puso ko yun (hindi naman dahil sa puso ko ang umiiyak noh). Nasabi kong lahat-lahat. Buong-buo. Isinulat kong lahat kahit na alam kong alam na naman ni Lord kung anong iniisip ko. Alam kong mas makakabuti para sa aming dalawa kung sasabihin ko Sa Kanya mismo. Bukod dun, gumaang din ang loob ko. Sa wakas, may napagsabihan na ko. Sa wakas napakawalan ko na.
Kung anuman yun, hindi ko na sasabihin pa dito. Sa amin na lang dalawa yun.
Basta ang pinakadahilan lang naman ay naguguluhan ako. Nawawalan ako ng pag-asa. Nauubos ang kompiyansa ko sa sarili ko. Parang unti-unti akong namamatay.
Hiniling ko na liwanagan niya ang utak ko. Hiniling ko na tulungan niya kong magdesisyon. Sabi ko bigyan niya ko ng sign sa kung anumang gusto niyang gawin ko. Sa kung anumang makakabuti para saken at sa lahat. Sabi ko pa nga bilisan niya eh (ang sama sama ko talaga. Demanding ako).
Tapos kanina sa school nung nag-CR ako nakita ko si Mam Libay. Siya yung prof ko sa Screenplay writing class ko (two times Palanca Award winner po siya).
Ako: Hi Ma’am.
Siya: (naghuhugas ng kamay. May bago siyang henna tattoo sa mga kamay niya. Ang gandaaa.)
Oi. Anong scriptwriting class ka? Diba ikaw si Daena?
Ako: Opo.
Siya: Ah tama Monday ka. Kakatapos ko lang checkan yung papel mo. Maganda yung script mo ha. Big potential.
Ako: (pangiti-ngiti lang)
Siya: Teka, nagra-write ka na ba dati pa?
Ako: Hindi po.
Siya: Talaga? Big potential ha.
Sabay labas ng CR.
Hindi ko naman alam na ganung kabilis ibibigay ni Lord yung hinihingi kong sign. = )
10 Comments:
ang galing galing!!!!
galing ni LORD at galing mo sister!!! :D
wow, na-inspire naman ako dun sa prayer mo kay lord. siya lang talaga ang makakatulong satin sa mga bagay n wala tyong control.
nakarelate tlaga ako at na-inspire..
God is so good. all the time. :D
have a nice week! :D
just goes to show that you deserve what you prayed for. :)
keep up the faith.
sinabi na nila lahat e.
agree, agree.
eia.. =) ay nako.. mahilig din ako humingi ng signs kay Lord..
alam mo ako.. natutuwa ako basahin ung blog ko.. sabi ko nga sa sarili ko.. sna kaya ko din magsulat ng kagaya mo.. frustrated writer ako.. kaya nabibilib ako pagka nakakabasa ako ng mga magagandang gawa.. kaya trust me na nabibilib ako sa blog mo.. sa contents nito..
talking to god is such a wonderful feeling.. nagawa ko na din yan.. andun ako sa church..sa harap nia mismo.. umiiyak nga din ako nu ne.. hehehe.. pagtapos ko.. ang gaan gaan ng loob ko.. at dun ako nagsimulang maging masaya.. =)
nakaktwach nmn yung sinabi mo about kay LORD!hay...wag kang mag-alala,hnd k tlga nyan papabayaan ni,lord..maganda nga ang kapalit sa mga luha mo!u deserved it gurl!
how inspiring.Ü
hope you're doing great.
take care!
that was me, rüss
hey guys! thanks for the comments! merry christmaaaas sa inyong lahat!!!
Post a Comment
<< Home