Image hosted by Photobucket.com Monday, December 05, 2005

tuliro.

Hindi ko na ma-distinguish ang panaginip sa hindi.

PART I.

Mga ilang araw na rin akong nag-eemote. Akala ko binalewala na niya ko. akala ko nakalimutan na niya ko agad.

Sabay kanina sa library pag dating ni Ms. Cartoon II (kakambal ko) ang sabi niya “hoy alam mo ba ang drama nga non kanina eh. Sabi niya hoy kamusta ka na? namimiss na kita. Kayong dalawa ni daena. Busy lang talaga ko pero kayo pa ren true friends ko.”

Syeeeeeeeeeetttttt.

PART II.

Kanina pag gising ko, walang tubeg. Tapos wala pang fudams. Akala ko tuloy katapusan na ng mundo. O kaya martial law na. Muntik na nga kong sumigaw ng Sakloloooo!!! Naggegera na nga sa sikmura ko pero wala akong maipasak sa bibig ko. At nakakadiri man (hindi naman talaga.mabango pa rin naman ako eh) pero umalis ako ng bahay ng hindi naliligo. Ng hindi nag-aalmusal. Akala ko talaga nananaginip lang ako.

Tapos sa kahabaan ng byahe ko sa edsa gusto ko ng mahimatay. Akala ko nga mahihimatay talaga ako eh. Muntik na nga. Wala na kong pakialam.

Pag dating ko naman sa klase, parang lahat bago. Parang lumulutang ako. Parang dumadausdos ako sa wala. Parang wala akong maalala. Absent ako nung Friday tapos dumaan ang weekend. Parang ang tagaaal. Nasa ere pa ang utak ko.

Naglakad ako sa hallway. Tahimik. Madilim (haller basement kase) Walang kumakausap saken. Akala ko patay na ko.

PART III.

Tapos ngayong hapon dali-dali akong umuwi. Gusto ko na rin kaseng magpahinga – at kumain. Nananghalian naman ako pero parang hindi pa rin naaalis yung gutom ko.

Pag sakay ko ng jeep. Pagbaba ko. Pagpila ko sa MRT station. Pag sakay ko sa MRT. Pagbaba ko sa ayala. Pagsakay ko sa bus. Pagbaba ko ulet. Pagsakay ko sa jeep. Pagbaba ko. Paglakad ko papaunta mismo dito sa bahay namen.

Parang hindi ko alam kung paano ko yun nagawa. Basta lang tenen!!! nandito na'ko.

Tapos pag pasok ko sa bahay, nakita ko si papa na nakahiga sa kwarto ni DJ. Nakanganga. Naghihilik.

taenang... panaginip ba 'to?

Akala ko nasa Canada siya? Akala ko nag-eenjoy siya sa snow? Akala ko postponed ang pasko namen ngayong taong to? Baket siya nandito? Totoo nga bang nandito siya o nananaginip lang ako? Baka nga gutom lang ako?

Joke ba ‘to?

Pero hinde. kakatapos lang niya kong yakapin eh.

sige surreal kung surreal.




4 Comments:

Blogger Maharaj Nilesh ki jai ho! said...

which language is this?

12/05/2005 04:14:00 AM  
Anonymous Anonymous said...

aaaaaaawwww... nice..

maligayang pasko agad yan para sayo..

napangiti naman ako sa post mo.. parang natouch ako.. =)

12/06/2005 11:35:00 PM  
Blogger Sinukuan said...

hehe. oo nga eh. tenks dear leah.

12/07/2005 09:30:00 PM  
Anonymous Anonymous said...

hehe..gnyan din ako mnsan eh. feeling ko patay nko pg sbrang kakaiba ung araw ko tsaka pg walng kmakausap skin. st least, khit mejo exhausting ung araw m nkita m nman pgdating m sa house nyo ung daddy mo.

12/09/2005 07:21:00 PM  

Post a Comment

<< Home

Free JavaScript from
Rainbow Arch