Image hosted by Photobucket.com Friday, September 30, 2005

Sila na.

Sila na nung babaeng (sabi niya bisexual daw pero I doubt it) matagal na niyang nililigawan (na feeling ko isang taon na pero sabi niya hindi naman daw). Sila na nung Monday lang, Sept 26, 2005.

Sila na at hindi raw siya makapaniwala. Pakiramdam niya panaginip lang daw at parang gusto pa rin daw niyang pagsasampalin ang sarili niya. Brutal talaga ang lolo mo.

Sila na at natalo siya sa pustahan nilang magtropa. Nakipagpustahan daw kasi siya na kapag binasted siya nung babae eh mananalo siya ng tatlong daang piso. Pero dahil naging sila nga – hayun natalo siya. Inamin niya saken na medyo nalungkot siya nung sinagot siya nung babae dahil ibig sabihin non wala na nga siyang tatlong daan, mabubutas pang lalo ang bulsa niya. Gago talaga. Sila na at ang totoo blooming siya. Ganung ganun siya nung naging sila nung ex niya – si Karen. Si Karen na pinagpalit lang naman siya sa isang papansin na hindi naman gwapo na Jeff something ang pangalan. Si Karen na may magandang mahabang shiny black na buhok na gustong gusto niya. Si Karen na “baby” ang tawag sa kanya. Si Karen na dahilan ng mga kadramahan niya sa buhay. Si Karen na mahilig magsulat ng love letters. Si Karen na dahilan ng maraming bulung-bulungan sa campus. Si Karen na muntik ko ng sabunutan. Si Karen na sige na nga pinapatawad ko na (mag-inarte daw ba). Sila na at hindi naman talaga ako nagulat kahit na ang sabi ko eh “Ha? Talaga? Kelan pa?”. Sila na at noon pa man (simula nung kinuwento niya saken yung tungkol dun) eh alam ko nang hindi magtatagal at magiging sila rin. Haranahin ba naman niya sa gitna ng maraming usisero’t usisera, bigyan ba naman niya ng toblerone halos araw-araw, padalhan ba naman niya ng rose tuwing gusto niya, paglaanan ba naman niya ng sariling folder sa cellphone niya yung mga mushy message nito kahit na ang nakalagay lang eh “hi hello” eh. Hindi ko naman sinasabing napakadaling makuha ng mga babae, (obvious naman noh dahil hindi naman madali yung mga ka-keso-hang pinaggagawa niya diba) kaya lang syempre yung pagiging “masigasig” niya eh talagang pogi points na para mapasagot niya yun. Sila na nga at masaya naman ako. Oo, masaya talaga ako para sa kanya. Maswerte yung babae sa kanya dahil napakamartir niya (hahaha!). maswerte yun sa kanya dahil napaka-committed niya. Napaka keso niya. Napakasipag niyang mag-hatid-sundo routine (kahit wala naman siyang kotse at naglalakad lang.hehe). Napaka galante niya (hahahha!). Napaka- ideal niya (define “ideal”). Tapos. Sila na pero sabi ko madaya siya. Oo kahit na masaya ako para sa kanya, sabi ko madaya siya. Madaya siya kasi iniwan na niya kong mag-isa habang nagbibilang ng mga araw, buwan, taon, dekada, siglo, henerasyon na ako ay single (bow). Madaya siya kasi hindi ko na siya pwedeng asarin na “nagfee-feeling lang siya na may someone special siya”. Madaya siya kasi sabi ko lang madaya siya. Gusto ko lang gawing “katotohanan” na madaya siya. Sila na at nag-iisip bata nanaman ako. Naalala ko lang kasi nung 4th year highschool pa kame (malamang). Open forum yun nung farewell party namin sa CAT (co-officer ko siya), pagkatapos niyang basahin yung makabagbag damdamin kong sulat eh sabi niya saken “oo naman syempre ikaw pa rin ang mahal ko. Ikaw lang ang nag-iisang pinakamalanding uod para saken” (uod kase ang pinang-aasar nila saken.kadiri nga eh pero nasanay na rin ako). Wala lang, masyado lang kumintal saken. Sabi ko kase isa siya sa mga best male (as in female-male) relationships ko. Hindi kami mag-jowa, hindi kami kailanman naging mag-jowa at hindi talaga kami posibleng maging mag-jowa pero isa siya dun sa mga yun. Nasesenti lang ako. Siguro totoo nga ang tsismis na selosa daw ako (ows?). wala akong LP sa kanya (lihim na pagtingin.aww) noh, at sigurado yun. Isa lang talaga siya sa mga best friends ko at ang kaibahan (hindi naman talaga kaibahan) lang, lalake siya. Wala nga akong LP sa kanya pero feeling ko nagseselos ako. Kasi nung una siyang nainlab at nung naging sila ni Karen, syempre medyo nababawasan na yung time na magkakasama kami (ng tropa). Kailangan pa niyang ihatid si Karen, kailangan pang ganito, ganyan. Hindi mo na siya mahatak ng ganung kadalas (at ganung kabilis) tulad ng dati. “Pag-aari” na siya ng iba. Tapos ngayon ,heto nanaman.

Sila na at hindi pa rin ako sanay sa ganitong senaryo. Ang mga kaibigan kong lalake ay naiinlab at nagkakajowa. Ang mga kaibigan kong lalake na katawanan ko, ka-jamming, kakwentuhan, kainuman ay nahihibang sa mga kalahi ko. Nakakamangha lang.

Sila na at lahat naman ng mga tao sa paligid ko ay nagiging taken na. Mapababae, mapalalake. Hindi lang ako makapaniwalang napakabilis magbago ng mga bagay. Parang lahat nagbabago, lahat nagpapalit. Mga ilang taon pa aabay nanaman ako sa kasal at sa pagkakataong ito, isa na sa kanila (sa mga kaibigan ko) ang ikakasal. Sa susunod naman magiging ninang na ko ng mga anak nila. Ang kupad-kupad ko lang talagang makisabay sa agos. Hanggang ngayon hindi ko pa rin mayakap ng buong-buo ang ilang mga bagay na hindi naman maiiwasang mangyari. Mga bagay na parte na talaga ng buhay.

Sila na at well, kami pa rin naman. Magkaibigan pa rin naman kami tulad ng dati. Isa pa rin naman siya sa mga best male relationships ko. Isa pa rin naman siya sa iilang mga lalakeng minahal ko ng lubos (at minamahal ko pa rin ng lubos).

Sila na at napapraning lang ako.

Kelly, namimiss lang kasi kita talaga. Alam mong kahit na pa-tumbling-in man natin ang mundo, wala nang makakapalit pa sayo (vice-versa.dapat lang.hmp). Miss ko lang yung mga kalandian naten. Miss ko lang yung “akin” ka. Yung “amin” ka lang nila bambina. Sorry ayokong magdrama dahil sa kayo na. Masaya ka diba at alam mong alam ko yun kaya masaya na rin ako.

Sana one of these days, makilala ko rin siya. Date namen pero sagot mo. Bwahahaha!!!





gisahin mo.

ako ay habang buhay na napopoot dahil ako ay habang buhay na nagmamahal. ~ mula sa isang makata. hiniram ko lang.nakalimutan ko kung sino. patawad. ********* i'd rather hold on than let go. though it's painful. though it's hard. if it's the only way to own you, somehow. (oh ang sarap ng keso) ********* pag mushy ka at sincere ka. magiging mas masaya ka pati ang mga tao sa paligid mo. magiging mushy na rin sila sa'yo at ang tingin mo na sa tubig ay isang nakabibighaning bahaghari. ********* pag akala mo wala ng pag-asa. pag napapatulala ka na lang sa isang sulok dahil hindi mo alam kung ano ang gagawin mo.hindi darating si superman.hindi ka magiging darna. pero gagawa Siya ng paraan at ipapadama niya sa'yo na ligtas ka. hindi ka kawawa dahil kakampi mo siya. oo totoo. nangyari lang yan saken kani-kanina. ********* mas maganda kung ang pag-ibig ay walang hangganan. lalake sa babae. lalake sa lalake. babae sa babae. mas busilak kung ang pagtitinginan ay hindi nababakuran ng seksuwalidad na siyang nakagisnan lang natin bilang "normal". mata sa mata lang. kamay sa kamay. labi sa labi. isip sa isip. puso sa puso. ********* kanina nag-take ako ng kachorvahang test sa tickle.com. ewan ko pero lately eh naiisip ko lang ang tungkol dito. guess what? sinagutan ko yung are you ready to be a mom test. san ka pa? hahaha. at ang sabi niya... oo i'm so so so so ready na daw. hala. ********** nadedepress nanaman ako.tumaas nanaman kase ang pamasahe. ang dating 5 pisong pamasahe sa tricycle naging 7.50 na. tumataas nang lahat pwera lang ang baon ko.magtatag-gutom nanaman ako. delubyo na talaga. ********* obsessed ako ngayon sa vampire films. kay bradd pitt. tom cruise. yay. kung ganun lang din kagwapo ang mga bampira, hala sana kagatin na rin nila ako. yehey. ********* maganda pala ang blangko. maganda pala ang itim. masarap palang pakinggan ang katahimikan. masarap titigan ang wala. ******** masaya ding magbaliw--baliwang - muli. kakamisssss.




Image hosted by Photobucket.com Wednesday, September 28, 2005

escape with me.

Baby's black balloon makes her fly
I almost fell into that hole in your life
And you're not thinking 'bout tomorrow
Cuz you were the same as me
But on your knees

A thousand other boys could never reach you
How could I have been the one?
I saw the world spin beneath you
And scatter like ice from the spoon that was your womb

Comin' down the world turned over
And angels fall without you there
And I go on as you get colder
Or are you someone's prayer?

You know the lies they always told you
And the love you never knew
What's the things they never showed you
That swallow the light from the sun inside your room, yeah

And there's no time left for losin'
When you stand they fall, yeah

Comin' down the world turned over
And angels fall without you there
And I go on as you get colder
All because I'm
Comin' down the years turned over
And angels fall without you there
And I'll go on and I'll bring you home and
All because I'm
All because I'm
And I've become
What you became to me


black balloon
goo goo dolls




part II pero hindi related sa part I. labo.

i'm falling... i'm falling... i'm falling... i'm falling... i'm faaaaaaalliiiiiiiiiiiiiiiiing... blagag. aray.masakit pala talaga.




Image hosted by Photobucket.com Tuesday, September 27, 2005

blow.

L O S E R.... ako. paksyet.




Image hosted by Photobucket.com Monday, September 26, 2005

Anag - ag.

Napansin mo ba sa bawat paglapat ng labi ng lapis sa pisngi ng papel Ang marahang pagdampi ng aking mga labi sa iyong nanlalamig na pisngi?

Batid mo ba na sa bawat pagitan ng mga payak na salita, Sa bawat linya ng papel ang aking pagluluksa Sa layo ng pagitan nating dalawa?

Narining mo ba sa bawat tuldok, gitling at pananda Ang nagsusumigaw kong puso, Nananaghoy at nauuhaw sa mapagmalasakit na pakikinig?

Alam mo ba kung paanong sa bawat pag-agos Ng mga kaisipan at damdamin sa abang papel Ay unti-unti kong hinuhubaran ang aking sarili Hindi lamang sa iyong harapan Kung hindi sa harapan ng buong mundong Mapanghusgang tulad mo?

Nasilip mo ba sa bawat kanto at kurbada ng mga titik Ang pinta ng aking ngiti, kurap, Ng aking mukha?

Sana.

Dahil sa bawat titik at larawan na tinititigan mo sa papel, Sa bawat musika at alingawngaw Na likha ng pinagkabit-kabit na mga kataga,

Naroroon ako at unti-unting nauubos.





Image hosted by Photobucket.com Friday, September 23, 2005

o alipin.

parang yelo sa iced tea. parang cologne sa kwelyo. parang komersyal sa radyo. parang usok ng sigarilyo. parang kape sa magdamag. parang daliri sa keyboards. parang gutom sa sikmura. parang mura sa tutuli. parang plema sa lalamunan. parang ngiti sa salamin. parang kalmot sa braso. parang bituwin sa mata. parang trapik sa edsa. parang baha sa kanto. parang sermon sa umaga. parang valium kung nag-iisa. parang katahimikan sa madaling araw. parang bulong sa kulungan. parang ikaw. parang ako. parang tayo. kung hindi ka magsasawa, maaadik ka. mga pinagpala lang ang nakapamamagitan. alin ka sa kanila?




Image hosted by Photobucket.com Monday, September 19, 2005

commercial break.

Long Walk to Forever

by Kurt Vonnegut Jr.

They had grown up next door to each other, on the fringe of a city, near fields and woods and orchards, within sight of a lovely bell tower that belonged to a school for the blind. Now they were twenty, had not seen each other for nearly a year. There had always been playful, comfortable warmth between them, but never any talk of love. His name was Newt. Her name was Catharine. In the early afternoon, Newt knocked on Catharine's front door. Catharine came to the door. She was carrying a fat, glossy magazine she had been reading. The magazine was devoted entirely to brides. "Newt!" she said. She was surprised to see him. "Could you come for a walk?" he said. He was a shy person, even with Catharine. He covered his shyness by speaking absently, as though he were a secret agent pausing briefly on a mission between beautiful, distant, and sinister points. This manner of speaking had always been Newt's style, even in matters that concerned him desperately. "A walk?" said Catharine. "One foot in front of the other," said Newt, "Through leaves, over bridges--" "I had no idea you were in town," she said. "Just this minute I got in," he said. "Still in the Army, I see," she said. "Seven more months to go," he said. He was a private first class in the Artillery. His uniform was rumpled. His shoes were dusty. He needed a shave. He held out his hand for the magazine. "Let's see the pretty book," he said. She gave it to him. "I'm getting married, Newt," she said. "I know," he said. "Let's go for a walk." "I'm awfully busy, Newt," she said. "The wedding is only a week away." "If we go for a walk," he said, "it will make you rosy. It will make you a rosy bride." He turned the pages of the magazine. "A rosy bride like her--like her--like her," he said, showing her rosy brides. Catharine turned rosy, thinking about rosy brides. "That will be my present to Henry Stewart Chasens," said Newt. "By talking you for a walk, I'll be giving him a rosy bride." "You know his name?" said Catharine. "Mother wrote," he said. "From Pittsburgh?" "Yes," she said. "You'd like him." "Maybe," he said. "Can--can you come to the wedding, Newt?" she said. "That I doubt." he said. "Your furlough isn't for long enough?" she said. "Furlough?" said Newt. He was studying a two-page ad for flat silver. "I'm not on furlough," he said. "Oh?" she said. "I'm what they call A.W.O.L.," said Newt. "Oh, Newt! You're not!" she sad. "Sure I am," he said, still looking at the magazine. "Why, Newt?" she said. "I had to find out what your silver pattern is," he said. He read names of silver patterns from the magazine. "Albermarle? Heather?" he said. "Legend? Rambler Rose?" He looked up, smiled. "I plan to give you and your husband a spoon," he said. "Newt, Newt--tell me really," she said. "I want to go for a walk," he said. She wrung her hands in sisterly anguish. "Oh, Newt--you're fooling me about being A.W.O.L.," she said. Newt imitated police siren softly, raised his eyebrows. "Where--where from?" she said. "Fort Bragg," he said. "North Carolina?" she said. "That all right," he said. "Near Fayetteville--where Scarlett O'Hara went to school." "How did you get here, Newt?" she said. He raised his thumb, jerked it in a hitchhike gesture. "Two days," he said. "Does your mother know?" she said. "I didn't come to see my mother," he told her. "Who did you come to see?" she said. "You," he said. "Why me?" she said. "Because I love you," he said. "Now can we take a walk?" he said. "One foot in front of the other--through leaves, over bridges--" They were talking the walk now, were in a woods with a brown-leaf floor. Catharine was angry and rattled, close to tears. "Newt," she said, "this is absolutely crazy." "How so?"said Newt. "What a crazy time to tell me you love me," she said. "You never talked that way before." She stopped walking. "Let's keep walking," he said. "No," she said. "So far, no farther. I shouldn't have come out with you at all," she said. "You did," he said. "To get you out of the house," she said. "If somebody walked in and heard you talking to me that way, a week before the wedding--" "What would they think?" he said. "They'd think you were crazy," she said. "Why?" he said. Catharine took a deep breath, made a speech. "Let me say that I'm deeply honored by this crazy thing you've done," she said. "I can't believe you're really A.W.O.L., but maybe you are. I can't believe you really love me, but maybe you do. But--" "I do," said Newt. "Well, I'm deeply honored," said Catharine, "and I'm very fond of you as a friend, Newt, extremely fond--but it's just too late." She took a step away from him. "You've never even kissed me," she said, and she protected herself with her hands. "I don't mean you should do it now. I just mean this is all so unexpected. I haven't got the remotest idea of how to respond." "Just walk some more," he said. "Have a nice time." They started walking again. "How did you expect me to react?" she said. "How would I know what to expect?" he said. "I've never done anything like this before." "Did you think I would throw myself into your arms?" she said. "Maybe," he said. "I'm sorry to disappoint you," she said. "I'm not disappointed," he said. "I wasn't counting on it. This is very nice, just walking." Catharine stopped again. "You know what happens next?" she said. "Nope," he said. "We shake hands," she said. "We shake hands and part ways," she said. "That's what happens next." Newt nodded. "All right," he said. "Remember me from time to time. Remember how much I love you." Involuntarily, Catharine burst into tears. She turned her back to Newt, looked into the infinite colonnade of the woods. "What does that mean?" said Newt. "Rage!" said Catharine. She clenched her hands. "You have no right--" "I had to find out," he said. "If I'd loved you," she said, "I would have let you know before now." "You would?" he said. "Yes," she said. She faced him, looked up at him, her face quite red. "You would have known," she said. "How?" he said. "You would have seen it," she said. "Women aren't very clever at hiding it." Newt looked closely at Catharine's face now. To her distress, she realized that what she had said was true, that a woman couldn't hide love. Newt was seeing love now. And he did what he had to do. He kissed her. "You're hell to get along with!" she said when Newt let her go. "I am?" said Newt. "You shouldn't have done that," she said. "You didn't like it?" he said. "What did you expect," she said-- "wild, abandoned passion?" "I keep telling you," he said, "I never know what's going to happen next." "We say goodbye," she said. He frowned slightly. "All right," he said. She made another speech. "I'm not sorry we kissed," she said. "That was sweet. We should have kissed, we've been so close. I'll always remember you, Newt, and good luck." "You, too," he said. "Thank you, Newt," she said. "Thirty days," he said. "What?" she said. "Thirty days in the stockade," he said--"that's what one kiss will cost me." "I--I'm sorry," she said, "but I didn't ask you to go A.W.O.L." "I know," he said. "You certainly don't deserve any hero's reward for doing something as foolish as that," she said. "Must be nice to be a hero," said Newt. "Is Henry Stewart Chasens a hero?" "He might be, if he got the chance," said Catharine. She noted uneasily that they had begun to walk again. That farewell had been forgotten. "You really love him?" he said. "Certainly I love him!" she said hotly. "I would not marry him if I didn't love him!" "What's good about him?" said Newt. "Honestly!" she cried, stopping again. "Do you have any idea how offensive you're being? Many, many, many things are good about Henry! Yes," she said, "and many, many, many things are probably bad, too. But that isn't any of your business. I love Henry, and I don't have to argue his merits with you!" "Sorry," said Newt. "Honestly!" said Catharine. Newt kissed her again. He kissed her again because she wanted him to. They were now in a large orchard. "How did we get so far from home, Newt?" said Catharine. "One foot in front of the other--through leaves, over bridges," said Newt. "They add up--the steps," she said. Bells rang in the tower of the school for the blind nearby.

"School for the blind," said Newt.

"School for the blind," said Catharine. She shook her head in drowsy wonder. "I've got to go back now," she said.

"Say goodbye," said Newt.

"Every time I do," said Carharine, "I seem to get kissed."

Newt sat down on the close-cropped grass under an apple tree. "Sit down," he said.

"No," she said.

"I won't touch you," he said.

"I don't believe you," she said.

She sat down under another tree, twenty feet away from him. She closed her eyes.

"Dream of Henry Stewart Chasens," he said.

"What?" she said.

"Dream of your wonderful husband-to-be," he said.

"All right, I will," she said. She closed her eyes tighter, caught glimpses of her husband-to-be.

Newt yawned.

The bees were humming in the trees, and Catharine almost fell asleep. When she opened her eyes she saw that Newt really was asleep.

He began to snore softly.

Catharine let Newt sleep for an hour, and while he slept she adored him with all her heart.

The shadows of the apple trees grew to the east. The bells in the tower of the school for the blind rang again.

"Chick-a-dee-dee-dee," went a chickadee.

Somewhere far away an automobile starter nagged and failed, nagged and failed, fell still.

Catharine came out from under her tree, knelt by Newt.

"Newt?" she said.

"H'm?" he said. He opened his eyes.

"Late," she said.

"Hello, Catharine," he said.

"Hello, Newt," she said.

"I love you," he said.

"I know," she said.

"Too late," she said.

He stood, stretched groaningly. "A very nice walk." he said.

"I thought so," she said.

"Part company here?" he said.

"Where will you go?" she said.

"Hitch into town, turn myself in," he said.

"Good luck," she said.

"You, too," he said. "Marry me, Catharine?"

"No," she said.

He smiled, stared at her hard for a moment, then walked away quickly.

Catharine watched him grow smaller in the long perspective of shadows and trees, knew that if he stopped and turned now, if he called to her, she would run to him. She would have no choice.

Newt did stop. He did turn. He did call. "Catharine," he called.

She ran to him, put her arms around him, could not speak.

haller naman! actually, hindi pa sana ako magbblog kaso hindi ko na matiis. naguumapaw nanaman ang drafts ko sa mga bagong poems (at kachorvahan) ko at parang gusto ng sumabog ng puso ko (waaahh). kaya heto na ko.pero wala muna kong bagong orig entry. galing tong post na to sa blog ng prof ko sa broadcomm.kinilig ako eh kaya pinirata ko.sharing lang...pampaalis ng stress. pampa-cheesy ng konti sa ating mga buhay-buhay. busy pa ko eh dami pang requirements pero saglit na lang to..lapit na sembreak at finals namen.konting kapit pa...hehe.makakapagblog hop ulit ako. siz ayeka...miss na rin kita kaya hayan wait mo na ko bubulabugin ko na blog mo! at miss ko na kayong mga bloggie friends ko...kayong lahat.





Image hosted by Photobucket.com Friday, September 16, 2005

pasel

Paano ba tinutuldukan ang pangungusap na ayaw mong tapusin Gayundin ang mga awit na ayaw mong wakasan? Sa paghinto ba ng kamay ng orasan ay hihinto rin ang lahat Kasama na ang mga bagay na ayaw mo sanang pakawalan? Kapag binasag mo ba ang salamin ay maniniwala kang Kailanma’y hindi mo na masisilayan ang katotohanan? O ang pagsuka ba sa lahat ng laman ng iyong sikmura Ang tatapos sa kabalisahan na iyong nararamdaman? Tuwing tumatakbo ka ba ay natitiyak mong ikaw ay may pupuntahan at may maiiwanan? O ang pananatili ba sa kasalukuyan ang talagang Siyang pumupuksa sa ‘yong isipan? Pinahihina ka ba talaga ng iyong bulag na kagustuhan? Nilalamon ka ba talaga ng hindi mo paglisan? O ang bukas ba ang tanging natitira na lang para iyong makapitan?

stars are leaving for a while and so i'm leaving you with this post. be good, my pink bloggie. btw guys, keep looking at the night sky. i might crash into you one of these lazy nights.

********

meet me in outer space we could spend the night watch the earth come up I've grown tired of that place; won't you come with me? We could start again.





Image hosted by Photobucket.com Thursday, September 15, 2005

curriculum para sa tamang pagka-windang pag ganitong huwebes at umuulan at umaasa kang magiging plantsado ang lahat. (bow.)

windang 101 sa hindi ko malamang kadahilanan eh hindi ako nagising kaninang umaga nung inalarm ko naman yung cellphone ko ng 5:30. instead, nagising ako ng quarter to seven. haller? 8:30 pa ang klase ko at 2 hours pa ang byahe ko plus umuulan pa so ibig sabihin trapik at ngaragan sa kalsada. hindi naman ako ginising ni mama kasi kakagising lang din niya. siguro sinadya talaga ng tadhana na magising ako ng late para wag na kong pumasok sa broad comm class ko. kasi kung nataon na pumasok pala ko dun eh hindi ko na maihahatid si papa sa airport. windang 102 pero in fairness pumunta pa rin ako ng school ha. kailangan ko kasing i-renew yung mga hiniram kong reference books para sa paper ko sa broadcomm class ko sa library kasi kung hindi magbabayad nanaman ako ng penalty noh (last time umabot sa P50 yung penalty ko) at syempre ayoko ng mamulubi dahil lang don (whew ang haba nun ha). kinailangan ko rin kasing ibigay yung blank tape ni carshz (classmate) at yung anthology ng philippine collegian ni jinky (classmate 2). nakakatawa lang kasi wala pa kong 30 mins dun tapos umuwi na rin ako. windang 103 napraning nanaman ang MRT. mga 30 mins. nanaman akong naghintay bago ako nakasakay. paano ba naman eh kung hindi puno eh sira o kaya matagal lang talagang dumating yung sunod na tren. usapan pa naman namin ni mama na pagka wala pa ko ng 12 sa bahay eh iiwan na nila ko. nakasakay naman ako agad sa bus sa ayala kaso heavy ang trapik. as in mga 48 years pa bago kami nakarating sa alabang pa lang ha. nataranta na nga ko kasi akala ko talaga pag uwi ko eh hindi ko sila dadatnan dun. hindi man lang ako makakapag goodbye kiss kay papa pag nagkataon. pero buti hindi. pag dating ko eh nag-iinuman pa nga sila ng mga kumpare niya. windang 104 saglit lang kami sa centennial airport. bumaba lang si papa tapos go na siya sa loob. late na kasi siya kaya hindi na siya puwedeng lumabas ulit. nag-kiss lang kami tapos nag-cr kami ni mama tapos alis na ulit.after nun pumunta kaming quiapo. bumili nanaman kasi ako ng photopaper dahil syempre ako tong si ms. expert sa pagpiprint ng pictures. nasayang ko halos lahat ng photopaper.hehe.tapos nun nag-shopping kami ng piratang vcds at cds. yehey! ang saya ko mapapanood ko na yung crash tsaka yung closer. nakahanap din ako ng cd ng lifehouse at ni robbie williams (iinggitin ko si peter). tsaka nakakita din ako ng collection ng hits ng boyzone (opo, fan nila ako) so ayun masaya lang. mas masaya pa kasi nag-hopia-hunting kami ni mama. dun daw kasi sa quiapo siya bumibili ng masarap na hopia.eh di ang drama namin eh hinalugad namin lahat ng bakeshop at tinikman yung gma hopia nila.kaso wala. wala yung gusto niya. masuka-suka pa nga ko dun sa isa niyang pinatikim sa'kin eh kase lasang gulaman (imagine that.hopia na lasang gulaman?). tapos nagutom kami syempre. kumain kami sa isang kainan ng intsik. ( at sa totoo lang hindi ko alam kung bakit kailangang tawaging kainan ng intsik yun) may inuman syempre tska may videoke. well, in fairness magagaling yun mga kumakanta ha. para bang wala na silang ginawa sa buhay kundi ang kumanta (chenen!). in fairness din ha masarap yung pancit canton tsaka yung siopao nila. ewan ko ba pero gustung-gusto kong pumupunta sa ganung lugar. yung tipong siksikan, halo-halo ang tao.maingay.maraming mabibiling mura. parang divisoria, quiapo, greenhills.ganun.gusto ko rin yung kumakain sa mga karinderya na masarap yung pagkain tapos may videoke (though, hindi naman ako kumakanta.nakikinig lang.pero deep inside gusto ko ring kumanta.hehe). gusto ko lang yung feeling nga inoobserbahan yung mga tao.ang saya saya kase. windang 105 dahil madailim na nga di dahil sa umuulan kundi dahil gabi na eh umuwi na kami ni mama. sa park n ride kami sumakay at josko ever! ang haba ng pila! hindi lang mahaba, mga 2 hours din kaming pumila.as in.trapik daw kasi sabi ni mamang despatsador kaya matagal dumating yung mga bus. para ngang puputok na yung terminal sa dami ng tao eh.nakakatuwa lang kasi madami akong nakitang kakilala at schoolmates ko nung highschool.wala lang sight-seeing lang tska nakipagdaldalan lang ako dun sa katabi kong madaldal. mag na-nine na nung nakasakay kami tapos mga 10:30 na nung nakarating kami dito sa san pedro. windang 106 (last na to pramis.) magdedevelop nanaman ako at magpiprint bukas. last chance ko na to na ayusin kasi sa 26 na yung exhibit namen.haller sana naman may maexhibit ako diba? so yun. tska pala ang dami kong gagawin dun sa subject na inabsentan ko kanina.grabe.anyway, tutulungan naman ako ni peter eh.hehe. pray for me naman para matapos na tong ka-windangan ko. at eto ang lakas pa rin ng ulan at ang sakit pa rin ng puson ko (alam mo na girl thing). talagang sumpa na to saken forever.anyway .sarap nanaman ng tulog ko nito dahil malamig. wish ko lang magising ako pag nag-alarm cp ko. pero in fairness ang sarap mawindang.ang saya saya ko pag nawiwindang ako.harhar. go!go!go!




Image hosted by Photobucket.com Wednesday, September 14, 2005

papa.

hindi ko alam kung matatawa ba ko o maiiyak. mananahimik ba o matutulala. kung minsan bigla bigla na lang may sumusupalpal sa mukha mo tapos wala ka namang magawa kung hindi ang magulat na lang. ni hindi ka na nga nakakagawa ng kahit anong reaksyon. hindi ganoong kabilis ang utak mo at puso para makasabay sa agos. at siguro hindi ka rin ganoong katapang at katibay para harapin ang kung anumang isinasambulat na sa mga nagbubulag-bulagan mo pang mga mata. aalis ka na bukas. aalis ka nanaman. mahigit sampung taon ka na ring umaalis at bumabalik pero hanggang ngayon hindi pa rin ako nasasanay. sa tuwing umaalis ka ganoon pa rin kasakit ang tinik na iniiwan mo. sa tuwing umaalis ka, hindi pa rin sapat ang mga pangako mong babalik ka para busugin ako. nitong mga nakalipas na araw ay inaaway kita.hindi kita kinikibo at ni hindi man lang kita tinitignan. siguro heto nanaman ang ilan sa mga panangga ko laban sa kalungkutan. ayokong iwan mo nanaman ako ng masaya tayo. lalo lang kitang mamimiss. lalo mo lang akong pahihirapan habang iniisip ko na kahit ilang beses ka pang magbalak umalis, wala naman akong magagawa para pigilan ka lalo pa't ako ang isa sa mga dahilan kung bakit kailangan mong umalis - at bumalik ng paulit-ulit. nalulungkot lang akong isiping, sa ikli ng buhay na 'to ilang beses lang kitang nakasama sa mga pinakamahahalagang araw. ilang beses lang kitang nakasama tuwing bertdey ko, tuwing recognition o graduation, tuwing pasko, bagong taon, mahal na araw, tuwing araw ng mga patay, piyesta, tuwing suspended ang klase dahil bagyo o dahil nagstrike ang mga jeepney drivers. kung minsan tuloy, parang lahat na nang araw ay pantay-pantay.wala ng espesyal kahit bertdey ko pa at kahit pasko hindi ko na inaasam. nanghhihinayang lang ako dahil dumaan ang mga araw na yun na hindi tayo magkasama. sana alam mo na palagi akong nasasabik sa'yo. ngayon, disi otso na 'ko pero marami pa rin ang hindi nagbago. ako parin ang prinsesa mo at ako lang ang prinsesa mo (sana). kung minsan tuloy gusto ko na ring makisali sa rally at awayin ang gobyerno dahil sa kahirapan ng pilipinas. siguro kung hindi mahirap dito, siguro hindi mo na kailangan pang umalis. siguro hindi na tayo manghihinayang pa sa bawat oras na hindi tayo magkakasama. siguro mapapanood mo pang mabuti kung paano ako lumaki, magdalaga, umibig, magtagumpay, mag-asawa, magkaanak...siguro wala kang mamimiss sa mumunting mga pagbabagong nagaganap sa akin - sa amin ng mga kapatid ko. alam mong isa sa mga hiling kong alam kong hindi na matutupad ay ang panoorin mo ko at samahan sa bawat yugto ng buhay ko. kahit na nandyan ka pa rin naman, syempre iba pa rin yung malapit ka lang.yung nandito ka lang sa tabi ko.yung hindi tayo pinaglalayo ng malawak na dagat at milya-milyang kalupaan, bundok, burol, ulap at higit sa lahat - oras. wala akong laban sa kanila. tao lang ako. puso lang ang mayroon ako at ang kaya ko lang gawin ay kumapit. siguro sa susunod na umalis ka sasama na ko sa'yo. isama mo na ko. isama mo na kami. ihahatid ka namin ni mama bukas kahit na ayokong makita ang likuran mo habang lumalakad ka papasok sa airport. ayokong makita kung paano nanaman tayo paglayuin ng mga dahilang hindi natin kayang labanan. hindi ko maipapangakong hindi ako iiyak pero sige hindi ako iiyak sa harapan mo. hindi naman talaga ako umiiyak sa harap mo kahit kailan diba? kasi sigurado kong iiyak ka rin. basta mag-ingat ka na lang doon. magpakabait ka. palagi tayong magcha-chat ha? mamimiss kita ng sobra. lagi mong tandaan na palagi kitang iisipin. ako pa rin ang prinsesa mo at may malaking puwang sa puso ko na talagang para sa'yo lang.




Image hosted by Photobucket.com Tuesday, September 13, 2005

nag-ga-gang war ang mga aso dito samen. sobra. nagising tuloy ako at dahil hindi rin naman ako makakabalik ulit sa masarap ko sanang tulog eh naginternet na lang ako. pag minamalas ka nga naman. tapos bigla kong naisip na gustong-gusto ko ng magkaroon ng sarili kong digicam. kahit na yung plates ko sa black and white photography ko eh hindi ko pa tapos... siguro naman may future ako pag digital na. (hehe) hirap naman kase ng manual na photography eh. lalo pag ginegrade-dan.




pagtakbo ang aking paghinga.

Pag-iwan.

Hindi ako mabilis tumakbo. Bukod sa mabilis akong hingalin ay madali ring bumaha ang pawis ko. Pero sa kabila ng lahat, gusting-gusto ko pa ring tumakbo. Palagi pa rin akong tumatakbo. Patuloy lang sa pagtakbo.

Siguro, isa sa mga dahilan ng pagtakbo ko ay ang takot kong maiwanan.

Dati rati kasi ay sapat na sa akin ang maglakad lamang. Sapat na sa akin ang maglakad habang nagmamasid. Maglakad kasabay ng ilang mga kaluluwang umookupa sa daan.

Masaya ako noon tuwing naglalakad ako sa maluwang na kalsadang dati ay pinasisikip ng mga nagkikiskisan siko, likod, balikat. Masaya ako kahit masikip. Kahit mainit. Kahit hindi na halos ako makagalaw. Masaya ako dahil kahit papaano ay nadarama ko ang init ng katawan ng mga taong mahal ko. Masaya din akong isipin na siguro naman kahit papaano ay nadarama rin nila ang init ng aking katawan at marahil din ay mahal nila ako.

Pero simbilis ng mga yapak nila ang pagtalikod ng panahon sa akin. Tulad ng mga paa nila at anino, nilampasan na rin ako ng oras.

Tila masyado nang bumilis ang mga hakbang nila at hindi na ako makasabay. Kahit anumang pilit kong sila ay tawagin at abutin ay hindi ko na magawa. Tila wala na akong kakayahan at tila huli na nga ang lahat.

Napag-iwanan na ako.

Kaya simula noon ay binago ko na rin ang aking sarili. Kung dati ay naglalakad lamang ako ng mapayapa na animo’y walang pangambang may darating na kung anong hindi inaasahan, ngayon ay kaiba na. Kung dati ay ako ang nilalampasan at iniiwanan ng mga taong ayaw ko sanang pakawalan, Ngayon ako naman ang tumatakbong papalayo. Ako naman ang tumatakbo ng mabilis. Mabilis na mabilis. Ako naman ang nang-iiwan dahil ayoko ng mapag-iwanan.

(tulad ngayon, may isang tao nanamang sobrang mahal ko ang aalis sa huwebes. Kahit na alam kong matagal na niyang gustong umalis, hindi ko pa rin maikaila ang pagdaramdam ko.)

Pagtakas.

Isa ring dahilan ng aking pagtakbo ay ang pagtakas ko. Sa hindi ko matiyak na kadahilanan ay palagi ko na lamang napapanood ang sarili kong unti-unti bumibitaw. Unti-unting tumatakbo.

Marahil ito ay dahil sa ayokong masaktan at ayoko ring makulong.

Takot ako sa emosyon dahil puno ako ng emosyon. Takot ako sa pag-asa dahil palagi kong pinapwaniwala ang sarili ko na may pag-asa pa. Takot ako sa bakod, sa rehas at sa tanikala dahil nasusuka na ako sa sarili kong kabaong. Takot ako sa kamay dahil baka hindi ko na makayanang bumitaw. Takot ako sa pangako dahil baka lubusan akong maniwala at umasa. Takot ako sa bukas dahil baka hindi na ako matulog sa kakahintay dito. Takot ako sa lahat ng bagay na alam kong labis kong magugustuhan. Takot ako dahil takot akong baka hindi ko ito maangkin. Takot din akong baka hindi ko na ito magawang palayain.

Kaya bago pa man din dumating ang pagkakataong ako ay maalipin…

Tumatakbo na ako.

(patawad sa’yo kung masyado akong mahina at duwag)

Paghanap.

Gayun pa man, hindi naman siguro panay paglayo lamang ang dahilan ng aking pagtakbo. Ang pagtakbo rin naman ay isang pagpipilit na marating ang katapusan ng karera. Isang pag-aasam sa isang bagay na matagal mo nang hinahabol.

Kung anuman ang hinahabol ko ay hindi ko naman talaga alam. Siguro iyon na ang kaibahan ko sa ibang mga mananakbo. Sila, alam nila at natitiyak nila kung nasaan ang finish line. Alam din nila kung gaano kaikli lang na panahon ang mayroon sila para marating iyon. Eh ako, humahabol lang ako sa isang anino na hindi ko naman talaga kilala. Humahabol lang ako sa aninong hindi ko alam kung saan pupunta – kung saan ako dadalhin. Ngunit ang simpleng pagtakbo ko ang tanging nakakapagpaalala sa akin na balang araw may pupuntahan rin ako, na may finish line ding nakalaan para sa akin. Hindi ko man ito maaninag ngayon, pero alam kong sa pamamagitan ng pagtakbo ko makikita att makikita ko rin iyon.

Kung sa bagay, mas nanaisin ko pang tumakbo ng tumakbo kahit walang tiyak na pupuntahan kaysa naman tumayo na lang sa gilid ng kalsada habang pinapanood ang mga kaluluwang dumarating, tumitigil at umaalis sa aking tabi.





Image hosted by Photobucket.com Monday, September 12, 2005

between the lines

between the sun and earth is the sky of ours. angels without wings pass by the highways of forbidden gaze. between yesterday and tomorrow is the vision of a dead end. a mob of zombies kissing and hugging. between the lightness and darkness is the vampire red. where fire destroys more than it could really heal. between you and me are thousands of imperfect pixels. blurry shadows and distant embraces. between the labyrinth of the palms and feet are nails trapped in. where anonymous freedoms dive into the limbo of forsaken solitude




Image hosted by Photobucket.com Sunday, September 11, 2005

lahat ng bagay ay tila kapos.

puyat. mugto ang mata.inabuso ang sarili kagabi. pinilit tukuran ng palito ng posporo ang mga kawawang talukap. tumunog ang selpown. gising na. pindot. kusot ng mata. nandyan na pala si mama. musta naman kaya ang gimik kagabi. tulog ulet. ay mainit. tirik na ang araw. tingin sa selpown. alas otso na. bangon. hilamos. akyat sa taas. basa muna ng librong required. nagpakahenyo. may natutunan naman. ayos. toktoktok.kainan na. tanghalian na pala. dogdogdog. baba sa hadan. silip sa kwarto. mama, alis tayo diba? ha? eh walang magbabantay sa kapatid mo. ha? eh di ba sabi mo... talikod. layas. tampo. kain.dabog.walang imik. o sige tetext ko si lola mo. wag na ayoko ng umalis. sabay tayo sa mesa. punta na lang akong festival.papasama na lang ako sa kaklase ko. tutbrush.kuha ng damit.ligo. bihis. isip isip kung aalis pa nga ba. wala akong pera. kwarenta pesos lang at sampung pisong tigpipiso. tututututut - tututut. deng ano punta ka pa ba? hintay kita. si cha. naiinip na. okey sige intay mo lang ako. suklay.kanta.isip isip pa rin kung pupunta pa. wala akong pera pero ayokong humingi ng pera. tututututut - tututut. ano pupunta ka pa ba? kanina pa ko dito. oo sige. kuha ang pink na bag. lagay ang isang pares ng lumalawit na hikaw. suklay ng daliri ang kulot na buhok. ma, alis na ko. may pera ka ba? oo meron. sabay talikod. balabag ng pinto. sakay sa traysikel. ang gwapo naman ng katabi ko pero paksyet binobosohan pa yata ako. haller hindi ako seksi ok. maganda lang.haha. oi si cha ayun.badtrip. cha sorry.tara na. abang ng jeep.sakay sa jeep. kwento.daldal.kala mong walang problema. dating sa festival. nakipagkita kay dadang. yakap.kamustahan.tawanan. lakad sa mall. sakit sa paa. window shopping to death. hanap si lew. may gig daw sila. asan? asan? gutom.kain sa MCDO.lamon ng ketsup.kwentuhan ulet. lakad.lakad pa. nakita na si lew.batian.kamustahan.tawanan. punta sa cr.lakad lakad ulet.window shopping ulet. kodakan gamit ang SLR ko. tawanan. lakad pauwi.nakasalubong si nyoy volante. nginitian kame. so what? paalam kay lew. bili ng pink na cotton candy. upo.kain.kwentuhan.senti.tawanan. tingin sa relo. gabi na. uwi na. beso beso.ingat ka. ingat din kayo. i miss you. lakad pahiwalay. sakay kami ni cha sa jeep. pauwi. kwentuhan ulet. masaya. baba na ko. lakad. umaambon. sakay sa traysikel. baba sa bahay. mano sa ermats at erpats. akyat sa kwarto. bihis.baba. kain ng tilapya at kanin. tutbrush.hilamos. upo sa harap ng kahong hindi nagsasalita. at heto gabi nanaman. inaabuso nanaman ang sarili.




Image hosted by Photobucket.com Saturday, September 10, 2005

he's chasing the sunset.

I could still remember how the shadows fell upon her cheeks as she softly bites her polished lips. Her hair surrendering to the breeze was the most amazing picture there was and there would be. Those eyelashes that seem to touch my bare nature seemed to be weakening me, making me fall into her tears. She could calm the waves by just waving her hands… The echoes of her voice caused my heart to thomp a bit faster… but more gently.

She was beautiful And she is still beautiful every time I think about her. Truly, that panorama of her was still the most lucid memory that I can hold on to.

We were standing side by side with each other that afternoon, listening to each others’ whispers and laughter while we gaze at the setting of the sun. Surely, that sunset was the best of all the sunsets that I’ve ever witnessed. The site of her as she reveals those tangerine rays embraced by pinkish cotton balls was suddenly not just a magic of time unfolding in front of me. It has then become the mystery of love disclosing on me. Slipping inside of me.

The moment lasted only for a couple of minutes but all those bits of emotion I had seem to last for like an eternity.

But she’s not with me now. I lost her. Maybe I had her then, maybe I had her before the sunset faded. But I lost her as I lost the beauty of the sunset.

I lost her and how I wish I could have her again.

I loved her and maybe she loved me, too. Maybe she loved me too before the sunset disappeared.

Now instead of running away and forgetting, I am running towards her. However, chasing her has always caused me to land on my knees. She never fails me and she never failed me even once. But chasing could somehow set my blood on fire. It makes a desperate runner like me hold on to some imaginary finish line. Hold on to whatever that’s left for me to hold on to.

So as long as the fire burns... I’ll be chasing the sunset instead.





echoes.

careless whispers george michael I'm never gonna dance again Guilty feet have got no rhythm Though it's easy to pretend I know your not a fool Should've known better than to cheat a friend And waste the chance that I'd been given So I'm never gonna dance again The way I danced with you you're beautiful james blunt You're beautiful. You're beautiful. You're beautiful, it's true. I saw your face in a crowded place, And I don't know what to do, 'Cause I'll never be with you. the promise when in rome i'm sorry but i was just thinking of the right words to say i know they don't sound what i planned them to be but if i had to walk the world i'll make you fall for me i promise you i promise you, i will change the world eric clapton if i could change the world i would be the sunrise in your universe you would think my love was really something good baby if i could change the world i will beatles Who knows how long I've loved you You know I love you still Will I wait a lonely lifetime If you want me to--I will. la lang... my latest top picks. ewan ko pero bukod sa yan yung palagi kong naririnig, kasama na rin yan sa mga all-time favorites ko. kaw share mo naman top 5 faves mo...^_^




Image hosted by Photobucket.com Friday, September 09, 2005

ano ba'ng latest?

01. I must confess. I fell in-love with Wongkar Wai’s Chungking Express. Super asteg swear. If you haven’t watched it, it’s just about this two (good-looking) men who are dumped by their girlfriends. However, the screenplay is not the typical mushy-tragic-or-fairytale-like-love-story. The dialogue has this taste of poetry and the lines are just that profound and ambiguous which makes it even more dramatic and…romantic. Not that all, it also inspired me to make my own poetic-type of film (someday or pwedeng sa thesis ko rin).

02. I discovered this splendid (ok hindi naman sa nageexaj ako) shop in Teacher’s Village in Q.C earlier this afternoon – the Yesteryears. Well, Yesteryears is a shop owned by Mr. Nestor Vera Cruz which carries the most extensive collection of musical cds here in the Philippines. His collection ranges from the songs of the early 1900’s including those kundiman and vaudeville songs. This is a place where the foreign legends as well as the local prodigies blend with each other. Certainly, this is a place to draw back those almost-forgotten (and maybe never known at all) history of ours (as Pinoy and as mere humans).

03. My baby brother DJ (at the age of 2) is currently improving his artistic skills (well..mana sa ate.haha). Mama bought him a new set of pre-elem crayons (those super huge ones remember?) as well as two drawing pads. Furthermore, his teacher-slash-therapist also asked him to practice playing with his puzzle toys at home for she said that this would help him develop his motor skills. By the way, my brother is a special kid. A terribly good-looking and smart special kid.

04. My latest addiction (besides internet and blogging) is tentenenen…Gonuts Donuts! Hahaha! Syempre pa basta fudams go ako! At syempre pa basta sweets go ako!

05. Guess what? I bought a Filipino-Filipino dictionary last Wednesday. To tell you, it has always been my dream to buy one (as in swear). Since I have just decided to take poetry seriously, I as well settled on buying my own type of dictionary. That would really be a huge help for me given that I am much more in-love with Tagalog poetry.





Image hosted by Photobucket.com Thursday, September 08, 2005

The Host.

Isn’t it funny how people mistake you as being a flexible bulletproof ? Free from pain…always a savior?

Isn’t it also freaky and silly how they seem to have you as someone to complete what’s lacking in them?

A bricked-wall to lean on maybe? A heroine when they’re feeling a bit edgy? The redeemer of their damned life? I just couldn’t stand them knowing that they, too are aware of themselves as they become parasites. It would also be a good hypocrisy if I’m gonna say that I like they way they suck my blood. That I love being The Savior.

However, I am of course very much aware that every one of us (including myself) also becomes a baby (or a monstrous adult) vampires at some point of our (damned) lives. We need to suck blood from the innocent (and kind-hearted & unfortunate?) ones in order to survive. On the other hand, we also become The Host at times. The poor host who have nothing (and no one) to defend herself/himself. I must also say that it only becomes sickening if the sucking of those parasites happen most of the time (if not all the time) and if they leave you helplessly unconscious on the ground at the end. They would say sorry at the middle of your weakness hoping that you would understand (haller?). How pathetic! Yeah, sorry is good but sorry doesn’t really lessen the damage or the pain. In reality, sorry just makes the pain even more immense. It’s like a dead – end. You’ve got nowhere to go and so you are turning back, and turning back has made you (finally see and realize things) say sorry. It’s like saying that “I didn’t have any other option. I’m sorry I am weak. I’m sorry I hurt you. Sorry… (there is nothing I could do)”. It’s just that – terrible. Like saying good luck instead of God bless. Like a consolation prize for the most-hopeful candidate. Like the worn-out clothes of your elder sister/brother. Like naïve excuses and bad analogy (such as these ones).

Well, it’s just that perhaps I’ve grown bitter at the moment. Some situations occurred at the time which made me recollect those (lots of) similar instances wherein I am usually The Host. Yeah, I’ve grown bitter yet I know that this too will pass. Realizations like this make you comfortable sometimes (well at least for me), knowing that you’re cautious enough to protect yourself from vampires (and other parasites) which may suck your blood – again. For the meantime, I think I should regain first those RBCs and WBCs that I’ve lost so far.

I almost forgot that I also need them to breathe…to survive. I’m fixing myself now and (at last) I’m doing it alone.

how beautiful that could be?





Image hosted by Photobucket.com Tuesday, September 06, 2005

ga-tuldok na kalayaan

tumatakbo. nanonood. nakayapak. hinahangin ng haring panahon ang buhok. umiindayog. napakaganda. dumidipa. sumasalubong. sumasama sa alon. lumalangoy. nagpapatianod. ngunit hindi nalulunod. nabibilad. nadadampian. nauulanan. manipis ang balat ng walang bahid ng pagkukunwaring mga kasuotan. mga kurbada. mga linya. mga kulay at anino. nakaukit lahat sa kabuuang hindi makasarili. nakadikit. nakasabit. nakaayos. ngiti lamang ng kabusilakan ang palamuti sa payak na imahe. maamo. mapayapa. mapang-akit. at tunay ngang ang salamin sa langit na ipinintang kulay kahel ay hindi sinungaling. pasingit.paalala.walang koneksyon. ang bulak ay pwede ring tumigas at ang asukal ay pwede ring pumait. ang sariwa ay pwedeng mabulok at ang bago ay pwedeng maluma. pero intay-intay ka lang... ang panahon naman ay hindi maramot.




Image hosted by Photobucket.com Monday, September 05, 2005

i just finished my radio magazine script. what an accomplishment, really. feels so happy today... weee...




nababagabag lang.

malapit na ang end of the world.
grabeh dahil 45 pesos na ang pamasahe sa bus mula san pedro hanggang ayala na dati eh 36 pesos lang.tsktsk.sunod na diyang magtataas ang MRT. maglakad na lang kaya ako papasok ng school..?
**********
hindi pa rin ako bumabalik sa dating routine ng tulog ko.aswang pa rin ako.aswang na yata talaga ko forever.hindi ko alam kung masyado lang ba kong nagpapaka-feeling na busy ako o talagang nagiging aswang na ko.




Image hosted by Photobucket.com Sunday, September 04, 2005

and the blab goes on.

haller naman. sorry sa'yo my dear bloggie ha kasi pinapadugo kita ng kangarag-an ko. promise sa susunod hinay2 na ko... tsaka thanks pala sa mga nagpaalala na wag akong ma-haggard masyado. alam kong haggard din kayo pero inadvise-an nyo pa ko. well...nasenti naman tuloy ako. haha. ********* lapit na ng sembreak. ambilis ng oras, parang kelan lang kakashift ko pa lang ha tapos ngayon magsesecond sem na.ang daming nangyari...grabe.hindi ko na kinekeri-ng ireminisce. pinag-iisipan ko pa kung magdo-dorm ako.pag magdodorm si jinky my friend eh di baka ako rin.kaso keri ko namang mag-uwian eh tska maarte kasi ako sa CR kaya baka ma-haggard naman ako pag nagdorm ako kase alam nyo na... pero exciting yun.dati nagdorm na rin kasi ako kaso dun konti lang ang kasama ko sa unit. 6 lang kame tapos 2 lang kame sa room.pero masaya nga at namimiss ko ng magdorm. nae-excite na rin tuloy akong mag film production.next sem na un...waw it's either maging direktor ako *ambisyosa* or artista *pwede.y not?*.haha. ansaya non.kaso alaws pa ko videocam. huhuhu...la pang pera eh. pero in fairness mamimiss ko yung mga classmates ko this sem.as in sobra.sana okies din mga magiging classmates ko sa second sem. ********** medyo sad nanaman ako kase...naiistraight na yung buhok ko. haha.oo, kulot kasi ako *actually nagpakulot lang ako pero wavy na talaga yung buhok ko*. eh mahaba na siya at mga 10 years na lang *syempre joke yun* eh matutupad na ang pangarap kong umabot siya sa bewang *kase actually pangarap kong maging manananggal* ko kaso gusto ko kulot pa rin siya.waaaahhh... ********** teka.bakit yata parang magnet ako ng mga two-timer? three-timer? million-timer? *ok ekaj na* siguro in the future magiging kabit ako o kaya deborsyada. o baka ma-bilibid ako dahil pinatay ko ang asawa ko.o baka naman maging tibo na lang ako. why not coconut? hahaha. eh, ikaw kamusta naman?




Image hosted by Photobucket.com Thursday, September 01, 2005

G A M I T A N.

hinahablot ang puso at nilalagot ang hininga para lang mapunasan ang mainit na luha. ginagatasan ang kawalang-malay at inaararo ang kabusilakan para lang matamnan ng ilang binhi ang paligid ng pag-iisa. pinapatigas ng pira-pirasong adobe ang mga bituwin sa mata ng hambambuhay na pagsumpa para lamang maambunan ng panandaliang apoy. kinakalas nang buong-buo ang kabuuan para lang iwanang nakakalat sa daan. hinuhubaran ang damdaming marupok para lang bihisan ang sariling kahubaran. kakulangan. pilit isinusubo sa bunganga ang lahat- lahat para lamang isuka. saluhin at lunukin ang lahat ng itinatakwil ng sikmura. buhayin ang bituka sa mga lamang-loob at magpakasasa sa langis ng mga laman niya. oh, tikman mo siya. lasapin mo siya. ubusin mo siya ikaw na naghihingalong leon.




tagpi-tagping akO.

kagabi natulog nanaman akong nakadilat. hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin natatapos ang pagparada ng mga larawan sa aking harapan. medyo matagal ko na ring hindi nasisilayan ang kablangkuhan ng kisame. nakakamiss pala. nakakamiss din ang pagiging tulala. pagiging tulala sa mahika ng mga agiw. tulala sa pag-indayog ng mga butiki. kagabi natulog nanaman din akong namimintig ang tenga. hindi pa rin kasi humihinto ang bagyo sa tabi ng unan ko. mabibigat pa rin ang mga patak at nakakawasak pa rin ng katinuan. kaso medyo naninigas pa rin ang mga daliri ko ngayon kaya hindi ko rin magawang magbilang. ...ng mga gabing ...ng mga paradang ...ng mga bagyong unti-unting tumatalop sa laman ko. *******************
malapit na palang umalis ang nanay ko. pupunta daw siyang UK kasama ang bestfriend niya para mag care-giver. P96,000 daw ang sweldo buwan-buwan. kaya daw niya yun at makalipas daw ang dalwang taon eh kukunin na niya kame at dun na titira. nagulantang naman ako.wala yun sa plano pero mukhang siguradong-sigurado siya.tinanong ko kung pano kung hindi ako sumama sa kanila pag lumipad na sila papuntang UK.ang sabi niya hindi ko daw magagawa yun.hindi ko daw kayang magpaiwan. pakiramdam ko tuloy napupunit nanaman ako. kung hindi lang nagkakaletse-letse dito sa pilipinas, hindi naman kailangang mangyari 'to.
******************
sige, nagpadesisyunan ko na...hindi na ko magshishift sa fine arts. sige, tatapusin ka na nga tong film na to.mag-aaral na lang ako ng fine arts pag nakagradweyt na ko. para din may dahilan akong wag sumama sa UK.haha?.
******************
walang bagi sa ihip ng hangin.hayun marumi pa naman din. walang bago sa sikat ng araw.hayun nakaka-wrinkles pa naman din. wala namang bago sa salamin...pero bakit parang ang ganda ganda ko ngayon? syet walang aangal.




Free JavaScript from
Rainbow Arch