Wednesday, August 31, 2005
babae
Tuesday, August 30, 2005
urgent.
anong meron sa pito?
Monday, August 29, 2005
nostalgic ako.pictures muna.
uy si fahfah ronnel...hangkyut! hehe.
presscon nung 4thyr pa ko sa pangil,laguna. 4thyr din to...actually hindi namin classroom yan.aimishew all! obviously graduation...with dc-9 and sr julz. eto nung summer lang, bday ng friend ko na si grace kaso nakakatawa kasi wala siya sa pic.haha.patawad. sa makati yan...at yuck! emcee pala ko nun. o sige asan ako jan?
unbearable
my tuesday LSS.
Sunday, August 28, 2005
tiningi-tinging pagtingin
Saturday, August 27, 2005
the cure.
even stars dream
barenaked.
Friday, August 26, 2005
ako ang dagat at ang dagat ay ako.
Thursday, August 25, 2005
uncertainties in an empty thursday box.
Wednesday, August 24, 2005
the resurrection. bow.
Tuesday, August 23, 2005
hindi sapat ang asukal para patamisin ang mapait na kape.
Sunday, August 21, 2005
believing in the edge
Saturday, August 20, 2005
para lang wag akong mabulunan.
Thursday, August 18, 2005
ang manananggal.
tanikalang anino
Tuesday, August 16, 2005
nothing but refreshed
Sunday, August 14, 2005
isang pares ng tuldok.
Saturday, August 13, 2005
prisoners of ourselves.
Friday, August 12, 2005
am i really a loser?
Wednesday, August 10, 2005
true love in a condom
there she lay in front of you
moccha skin that smells like hot choco on sunday morning.
deep dark almond eyes
pulling you closer. wanting you nearer.
the feeling of her hair electrifies your slumbering spirit.
how you loved that feeling. how you longed for that feeling.
the heat has become intolerable.
it's swallowing you slowly.
you cannot take it. it's beautifully cruel.
your skin next to her could create
the universe.
the soles of your feet could explode like
waterfalls.
your undeniably hungry. infinitely thirsty.
and her...
desperately empty.
how she begged for you.
the opening of the great valley is such a leap of fate for her.
the enemy has surrendered.
surrendered to her brittle passion. surrendered to slavery.
and you...
still sturdy and selfish. still eyeing for the prey that your insatiable flesh would feast.
giving yourself but not giving it all. giving yourself but giving it just for yourself.
you made it good enough. how satisfying.
you took it all and left nothing.
you left her wanting.
she's empty then and she's empty now.
still, she didn't have you.
and perhaps...
she'll never have you
forever.
subconsciously sadistic
barenaked in front of the mild dews. i saw my alterego hanging on the wall of the damned tower. that was it.
i was the queen of the damned for centuries.
what took me so long to recall?
***********
there were royal ants creeping all over my hair. i could feel their soft feet running through my spine. i was mesmerized by their scent. i loved them so much i killed them... painfully.
***********
sobbing in the middle of silver soup. the hotness of the liquids melted my bruised heart.
i know for real that it felt good.
***********
jaedy saw my bloody red eyes. she almost screamed but i was able to stop her. i loved the way she swallowed her tears. oooh...her precious tears.
in a way, her pain fed my empty consciousness. and so, i hunger no more.
***********
i would spank the worms at a distance. i would let my emotions explode. they will all fall into misery. i will smile. my teeth will fall off one by one.
***********
it has always been my dream. to crash into you at perfect momentum. the nearness of your skin with mine drives me wild. i've been craving for ages now. and still... i am craving.
************
banyo breathing
ang CR ay may bibig.nangangaral.bumubulong ng mga bagay na tanging maririning mo lamang sa kalagitnaan ng misteryo ng katahimikan niya. ang CR ay may tenga.nakikinig.nakikisimpatiya sa mga kwento ng buhay mo.napapaindayog sa malamig mong tinig.nabubusog sa musika ng bawat mong halakhak.ang CR ay may puso.nagdadamdam.naliligayahan.nasasaktan.
piping saksi siya sa pagsabog ng kalangitan sa iyong kabuuan.nagsisilbi siyang isang malaking salamin na nagpapakita ng iyong natatanging mahika. ang mga mata niya ay hindi marunong tumingin - ang alam lang nito ay kumilatis.umunawa.
pinagmamasdan niya ang bawat galaw mo.ang bawat paghawi mo sa iyong buhok. ang bawat paglagay mo ng kolorete sa iyong mukha.ang bawat pagwisik mo ng pabango sa iyong damit.pati ang mga luha mong nangingilid na o ang mga ngiti mong hanggang tenga ay hindi nakaliligtas sa kakayahan ng kanyang mga mata.tama, hindi mo nga maikakaila kung ano ka at kung sino ka kapag nasa CR ka na.
ang puso niya ay may walang hanggang kapasidad upang haplusin ang iyong pilit na itinatadong kalooban.sinasalo niya ang bawat patak ng mapapait mong luha.niyayapos niya ang bawat agos ng maruming tubig na iyong pinaghuhugasan ng lahat ng iyong sama ng loob.dumidipa siya ng walang pag-iimbot upang madampian man lamang kahit saglit ng iyong maharlikang mga paa ang ang kanyang mukha.nagpapakatibay siya sa lahat ng oras upang makasiguro na ikaw ay may masasandalan sa tuwing ang lakas mo ay unti-unti ng napapawi ng bagyo.
wala siyang hinanakit. wala siyang pagsusumbat man lang.
wala siyang anumang hinahangad.ang tanging makakapagpaligaya lamang sa kanya ay ang paminsan-minsan ay dumaan ka.sumilip.ngumiti sa malabo na at medyo basag ng salamin.umiikot-ikot sa harap nito habang umaawit o kaya naman ay habang humahalakhak.o habang napapangiti sa mga alaalang sumagi sa iyong okupado ng utak.
marami siyang alam ngunit mas pinipili niya ang manahimik.marami siyang kayang gawin ngunit hindi na niya ito magawa dahil mas kawili-wili para sa kanya ang panoorin ka.
maaari ka niyang itaboy.maari ka niyang lamunin. ngunit hindi. ang mga sikreto mo ay pilit niyang itinatago.
gaano man ito karumi, kasaklap o kasama. gaano man ito kasaya, kasimple o kakomplikado.
hindi tulad ng mundong may kakayahan ngang umunawa at makinig... ang apat na sulok ng CR ay hindi mapanghusga kainlanman.
usapang langit
sabi ng isa kong kaibigan kapag nalulungkot daw ako at may namimiss akong tao, tumingin na lang daw ako sa langit.habang tintignan ko raw ang mga bituin ay isipin ko na lang na hindi naman ako dapat malungkot dahil kapag pareho kaming tumingin sa langit ay iisa pa rin namang langit ang makikita namin.kahit papaano...magkasama pa rin kami.magkalapit pa rin.
malinaw pa sa akin hanggang ngayon ang boses niya habang binabanggit niya ang mga salitang iyon.tila naaaninag ko pa sa alaala ko kung paanong nadampian ng liwanag ng mga bituin ang mukha niya.alam ko malungkot din siya pero sa kabila noon ay nagawa pa rin niyang pagaangin ang loob ko.
at ngayon ganoon pa rin naman ang langit kung gabi.wala namang nagbago.nandyan pa rin ang buwan...ang mga bituin.paminsan-minsan ay nakikita ko pa rin naman ang sarili ko na nakatingala.nag-iisip.naririnig ko pa rin naman sa guni-guni ko ang boses niyang nagpapaalala.
yun nga lang, nandito ako at nandun siya. malayo na kami sa isa't - isa.
babala: nakakangilo
masarap palang isiping maraming iced tea sa ref nyo.
maraming iced tea tapos maraming yelo.malalaki.maliliit.yung iba korteng square habang yung iba naman circle.iinumin ko yung iced tea.matamis pero medyo maasim.maaisip ko na masarap.iinom ako ulit.iinom ako ng iinom hanggang sa maubos ko ang laman ng baso ko.kakainin ko yung mga yelo.kakainin ko.kakagatin ko.kakainin ko kase masarap.masarap kase malamig.masarap kase nakakangilo.masarap kase masakit sa ngipin.masarap kase nakakalimutan kong buhay pa ko at mainit pa pala ang aking katawan.masarap kase pinamamanhid niya ko.kakainin ko lahat ng yelong kaya kong kainin.magpapakatakaw ako sa yelo.magpapakabusog.maya-maya sasakit ang ulo ko dahil nasobrahan na ako.magrereklamo ako pero hindi pa rin ako titigil sa pagkain ng yelo.masarap kase.masarap kase nasasaktan niya ko.bukod sa pinasasakit niya ang ngipin ko, pinasasakit din niya ang lalamunan ko, pati ulo ko.mauubos ko na ang yelo.wala ng yelo.wala ng yelo pero marami pang iced tea.iinumin ko ang iced tea pero...hindi na masarap.hindi na masarap kapag walang yelo.hindi na masarap kapag hindi na malamig.hindi na masarap kapag hindi nangingilo ang ngipin ko.kapag hindi sumasakit ang ulo ko.magsasawa na ako.ibabalik ko sa ref ang natirang iced tea.ayoko na.aakyat ako sa kwarto ko.hihiga sa kama kong uhaw sa init ng aking katawan.magpapanggap akong natutulog para hindi ako bulabugin ng mga utol ko.mag-iisip ako.makakatulog.mananaginip.at sa panaginip ko...hindi pala iced tea ang gusto ko kundi yelo.yelo lang, kahit wala pa siyang lasa.yelo pa rin kahit hindi naman talaga siya masarap.kahit nasasaktan naman niya ko.tutulo ang aking luha.mainit.maalat.mababagabag ako.magigising ako at sa paggising ko maiisip ko na...masarap pa rin ang yelo kahit walang iced tea pero ang iced tea hindi na masarap kapag wala ng yelo.malulungkot ako.gusto ko pa kase ng yelo.
pinutol-putol
medyo matagal na panahon na rin ang lumipas.
marahil, nasa magkabilang dulo na tayo ng tulay ngayon.
malayo sa isa't isa.
marami na ring bagay ang nagbago.
ang mga dating ngiti ay napalitan na ng luha. ang dating mainit na kalupaan ngayo'y nalulunod na
sa malamig na tubig alat.
ang dating matapang kong puso
ay
unti- unti
nang pinahihina ng mga sugat na dulot ng mga tinik
- ng mga tinik na iniwan mo.
hindi ko alam na ang mga magagandang salita pala na minsang nagpangiti at nagpaluha sa'kin sa tuwa ang siyang
dahan- dahang dudurog
sa mahina ko nang puso.
mga salitang hindi ko kailanman ninais na tanggapin at itago.
mga salitang pinilit kong itaboy papalayo
sa akin.
mga salitang dati ay sing ganda ng panaginip na ngayon ay sing saklap na ng bangungot
- ng bangungot na ngayon ay gumagambala sa aking kapayapaan.
nasasaktan ako.
nasasaktan ako dahil alam kong mga salita lang ang lahat ng iyon.
mga magagandang salitang marahil ay mananatili na lamang na mga salita sa habang panahon.
nasasaktan ako dahil hinayaan kong manuot sa akin ang mga salitang ngayon ay naging tinik na nga.
ang tamis ay naging pait na.
ang sarap ay naging sakit na rin.
sana tigang na lang ang puso ko o di kaya yelo o di kaya bato.
sana hindi ako ganito kahina para bumigay
sa patibong mong
alam kong kailanma'y hindi mo naman
sinasadya.